Aga, tumanggap kaya ng role ng isang bakla?
June 29, 2004 | 12:00am
Napanood namin ang interview kay Director Wenn Deramas ni Boy Abunda sa Private Conversations with Boy Abunda sa ANC Channel last week. Marami kaming nalaman kay Direk Wenn gaya nang pagiging Noranian at pagiging fan niya ni Maricel Soriano. Nakakatuwa ang mga kwento nito nang makilala na niya personally ang dalawang aktres.
In the same interview, binanggit ni Direk Wenn na ang dream project niya ay isang pelikulang pagsasamahan nina Aga Muhlach at Roderick Paulate at kung saan parehong gaganap na bading ang dalawa. Tinanong ni Boy si Direk Wenn kung alam na ni Aga ang project? Kay Manay Ethel Ramos, manager ni Aga palang daw niya binanggit ang tungkol ditot di pa rin niya alam kung tatanggapin nito.
Ayon sa kwento ng director, sa istoryay gay na si Roderick sa simula palang ng pelikula pero, si Aga, towards the ending na mari-realize na bading pala siya. Pitik-Bulag ang napiling title ni Direk Wenn sa Aga-Roderick movie.
Isang kaibigan ni Hero Angeles ang tumawag sa amin para linawin ang nasulat namin dito na hindi totoong mahirap ang pamilya nito gaya nang kanyang pinapalabas dahil may Toyota Revo sila. Iyon ay ayon sa narinig naming tsika.
Sabi ng friend ni Hero, pagmamay-ari ang sasakyan ng pinsan nito at pinapahiram lang at naaawa sa araw-araw na pagko-commute ng binata. Hindi rin daw madalas gamitin ni Hero ang Revo dahil ginagamit din ng kanyang pinsan. Saka, noong nakapasok sa Magic 5 ng contest na lang daw nahiram ni Hero ang sasakyan dahil grabe na ang kanyang schedule.
Inalam ng caller namin kung sinong kaibigan pa naman ni Hero ang nagsitsit sa press tungkol sa pagkakaroon nito ng Revo. Hindi na namin sinabit baka mauwi sa away.
Pinansin pala namin ang TV commercial ni Hero ng Globe pre-paid card na promo ng Spiderman 2. Hindi lang pala mukhang may sakit itot talagang may sakit nang kinunan ang commercial.
Okey na si Hero ngayon at tuluy-tuloy na ang taping ng Star Circle Reload na balita namin, sa July 5 na ang simula ng airing.
Pinagla-loveteam ng GMA-7 sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi, kaya lang, sa lusog ni Yasmien ngayon, nagmumukha siyang ate ni Rainier. Malaki ang itinaba ni Yasmien at kailangan talagang pigilan siya sa kakakain ng wala sa oras.
Isa pang kapansin-pansin kay Yasmien ay ang kapal ng eye make-up. Natawa kamit ikinumpara siya kay Cleopatra ng isang press dahil sa bangs at kapal ng eye make-up. Shes only 16 years old at di kailangan ng makapal na eye make-up.
Akala ba namin, pinayuhan siya ng grupo ni Wyngard Tracy na nag-manage sa kanya for one week bago ang finals ng StarStruck to lessen her eye make-up dahil nagmumukha siyang mature for her age. Obvious bang hindi ito sinusunod ng bagets.
Nakakaloka pa ang paglalagay niya ng eye concealer. Makapal na kaya ang kanyang eye bags o sobrang itim na ng ilalim ng kanyang mga matat kailangan niya ng makapal na concealer? Nagtatanong lang kami, wag sanang mapikon si Yasmien.
In the same interview, binanggit ni Direk Wenn na ang dream project niya ay isang pelikulang pagsasamahan nina Aga Muhlach at Roderick Paulate at kung saan parehong gaganap na bading ang dalawa. Tinanong ni Boy si Direk Wenn kung alam na ni Aga ang project? Kay Manay Ethel Ramos, manager ni Aga palang daw niya binanggit ang tungkol ditot di pa rin niya alam kung tatanggapin nito.
Ayon sa kwento ng director, sa istoryay gay na si Roderick sa simula palang ng pelikula pero, si Aga, towards the ending na mari-realize na bading pala siya. Pitik-Bulag ang napiling title ni Direk Wenn sa Aga-Roderick movie.
Sabi ng friend ni Hero, pagmamay-ari ang sasakyan ng pinsan nito at pinapahiram lang at naaawa sa araw-araw na pagko-commute ng binata. Hindi rin daw madalas gamitin ni Hero ang Revo dahil ginagamit din ng kanyang pinsan. Saka, noong nakapasok sa Magic 5 ng contest na lang daw nahiram ni Hero ang sasakyan dahil grabe na ang kanyang schedule.
Inalam ng caller namin kung sinong kaibigan pa naman ni Hero ang nagsitsit sa press tungkol sa pagkakaroon nito ng Revo. Hindi na namin sinabit baka mauwi sa away.
Pinansin pala namin ang TV commercial ni Hero ng Globe pre-paid card na promo ng Spiderman 2. Hindi lang pala mukhang may sakit itot talagang may sakit nang kinunan ang commercial.
Okey na si Hero ngayon at tuluy-tuloy na ang taping ng Star Circle Reload na balita namin, sa July 5 na ang simula ng airing.
Isa pang kapansin-pansin kay Yasmien ay ang kapal ng eye make-up. Natawa kamit ikinumpara siya kay Cleopatra ng isang press dahil sa bangs at kapal ng eye make-up. Shes only 16 years old at di kailangan ng makapal na eye make-up.
Akala ba namin, pinayuhan siya ng grupo ni Wyngard Tracy na nag-manage sa kanya for one week bago ang finals ng StarStruck to lessen her eye make-up dahil nagmumukha siyang mature for her age. Obvious bang hindi ito sinusunod ng bagets.
Nakakaloka pa ang paglalagay niya ng eye concealer. Makapal na kaya ang kanyang eye bags o sobrang itim na ng ilalim ng kanyang mga matat kailangan niya ng makapal na concealer? Nagtatanong lang kami, wag sanang mapikon si Yasmien.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended