25 miyembro ng FAMAS, nag-walkout

May balitang ipinarating sa amin ang isang opisyal ng FAMAS na nag-walk-out ang 25 miyembro nito na karamihan ay taga-showbiz sa isinagawang eleksyon noong Hunyo 26.

Ang pangunahing dahilan ay ang pagpoprotesta ng mga ito na huwag payagang bumoto ang 13 new members na kinalap ng pangulo ng FAMAS.

Kaso hindi ito binigyang-pansin ng pangulo, kaya nag-walk- out ang 25 members at di na lang bumoto. Kaya muling nahalal si Atty. Art Padua na presidente. Ayon pa sa opisyal na source namin ay karamihan sa mga miyembro ngayon ay hindi taga-showbiz.

Iniisip ngayon ng mga nag-walk-out na miyembro kung tutuloy pa sila sa pagiging kasapi ng FAMAS o magri-resign na lang.

Sa ganang amin, hindi naman namin minamaliit ang kakayahan ng mga non-showbiz members ng FAMAS kapag nagkakaroon ng deliberation sa taunang pagpili para sa FAMAS Awards pero, malaking tulong pa rin ang mga taga-showbiz para maging credible ang botohan.

Nanghihinayang kami sa FAMAS dahil isa itong institusyon, inalagaan ng mahabang panahon pero huwag naman sanang mauwi sa kaguluhan at pagkakahati ng mga myembro.

Huwag din sanang pairalin ang personal na interest kundi kung paano mapapanatiling malinis at respetado ang award-giving body na ito.
Bonggang Finals
Naaliw kami sa panonood ng grand finals ng StarStruck Kids na kinabibilangan nina Ella Guevarra, Kurt Perez, Sam Bumatay at Miguel Tanfelix. Tama ang hula ni Vero Samio na mananalo sina Sam at Kurt. Magagaling ang apat at may talento sa pagsayaw, pagkanta, pagsasalita at pag-arte. Sabi nga namin ay ibang-iba na ang mga bata ngayon kaysa noon. Maswerte ang mga nanalo dahil bukod sa P1M na contract sa GMA, may P200,000 pa silang cash prize.

Nalubos ang kasiyahan ng lahat dahil may production number din ang tinitiliang mga kabataan ngayon na StarStruck winners at StarStruck Avengers.

Epektibong host si Jolina Magdangal at bumagay ang kanyang red gown.
Janice, Sumanib Sa Relihiyon Ng Nobyo!
May nasagap kaming balita na talagang seryoso na ang relasyon ni Janice de Belen sa kanyang nobyong Atenista dahil nagpapa-doktrina na ito sa Iglesia ni Kristo. Ang guy ay kumukuha ng Law sa nasabing iskuwelahan at mahal na mahal ang actress-TV host. Natutuwa kami dahil sa wakas ay natagpuan na nito ang kaligayahan sa bagong minamahal. Kaya pala laging inspirado ngayon ang aktres.

Pinabulaanan naman ni Direk Louie Ignacio na matsutsugi na ang programang Sis hosted by Janice and Gelli. Katwiran nito ay paanong matsutsugi ang Sis gayung nagri-rate ito kahit itapat pa sa Good Morning Kris at siksik pa sila sa komersyal.
Jess, Inapi Sa Billing
Maganda ang role ni Jess Sanchez sa Anak Ka Ng Tatay Mo bilang coach sa baseball ni Ram Revilla. Kaso naghihinanakit ito dahil wala ang pangalan niya sa poster ng said movie.

Sabi nga nito, "Matagal na akong artista at never pang nangyaring wala ako sa billing ng mga pelikula. Sa Solar Films nga ay nabigyan ako ng pagpapahalaga noong gumawa ako sa kanila ng proyekto. First time lang na nangyari ito sa akin," aniya.

Naging prodyuser din si Jess na may-ari ng Buffalo Films.
Good Boy Na Si Janno
Hindi nakasama si Bing Loyzaga sa taping ng Nuts Entertainment sa Macao at HongKong. Wala kasing magbabantay sa kanilang mga anak kaya nagpa-iwan na lang ito.

Ayon naman kay Janno Gibbs ay good boy na siya ngayon kahit kasama nila sina Aleck Bovick at Juliana Palermo.

Hindi sumama sa gimik ng grupo ang komedyante at maaga rin daw ito kung matulog. Sa last taping ng programa, sumama si Janno sa gimik pero hindi na nag-aalala sa kanya ang asawa dahil good boy na nga ito.
Gwardyado Ng Sikat Na Young Actor Ang Gf
Lumipat na ng ibang network ang maganda at sikat na young actress. Pero kahit nasa kabilang bakod na, sumusunod pa rin doon ang kanyang boyfriend na isa ring sikat na young actor, na nakatali naman sa ibang network.

Dagdag pa ng source ko ay talagang mahal ng aktor ang nobya dahil nakabantay ito kapag may taping ang actress.

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa sa kabila ng pagkakaroon ng ka-loveteam ng young actor.

Show comments