Pero teka, sino kaya yung basketball player na kakilala ni Hanna na na-meet niya sa pinuntahang kapistahan? Six footer siya at pwedeng artista. Panay tuloy ang tingin sa kanya ng Tito Joey niya dahil ito ang mahigpit na nagbabantay kay Hanna, hanggat maaari, ayaw muna niyang ma-in love ang tinaguriang Celine Dion ng Pilipinas. Makakasira lang daw sa bumobunggang career ngayon ni Hanna.
Katunayan sa month of July, papuntang Barcelona, Spain si Hanna kasama ang ama. Papunta rin siya ng Ontario Canada. Tutuloy din sa London, pagkatapos sa Milan, Italy. Tila hindi na magpapaawat ang singer. Special guest din si Hanna sa opening ng Kintaro Promotion sa Arias St., Las Piñas. Kahapon nagmistulang may concert si Hanna sa Kintaro Music Lounge sa Baliuag Bulacan. Matapos hilingang kumanta, ayaw ng tigilan ng mga customers. Nagulat kami nang dumating bigla si Mike Magat. May pinasyalan lang daw si Mike sa naturang lugar. Nag-duet pa silang dalawa. VG