At ang dagdag pa ay ang sunud-sunod na pagi-guest niya sa telebisyon, sa Channel 7. Isa siyang pilyong titser sa Daisy Siyete. Tatay naman siya ni Angel Locsin sa Love To Love. Napanood din siya sa Magpakailanman. May mga alok din siya sa pelikula pero hindi niya iyon mabigyan ng pansin.
Ayon pa kay Daniel, kailangan pa niyang magsipag sa pag-aartista. Bukod sa mahal niya ang trabahong ito ay kailangan niya ang kikitain rito. Dahil kapos ang magiging pagtulong niya sa kanyang constituents kung sweldo lang niya bilang bokal ang aasahan niya. Hindi rin daw siya nahihirapang pagsabayin ang trabaho niya bilang pulitiko at sa pag-aartista. MM