Nakipagmiting kamakailan lang si Juday sa ilang executive ng Dos at kasama rin dito ang direktor ng bagong project ng aktres na si Rory Quintos upang pag-usapan ang magiging schedule ng taping ng dalawang teleserye, ang Bastat Kasama Kita at ang Krystala.
Mula kay Tito Alfie Lorenzo namin nalaman ang naging kaganapan ng naturang pakipagmiting ng kanyang alaga sa taga-Dos. Ang gustong mangyari ay maglalagare sa taping ng dalawang teleserye ang aktres, ang dating tatlong araw na regular taping day ng aktres ay idadagdag pa ang araw ng Linggo. "Kaya kaya ni Juday ang hindi na magpahinga? May panahon pa kaya siyang matulog?" himutok ng kanyang manager.
Natuwa kami sa naging desisyon ng aktres dahil ayon kay Tito Alfie, gustong gawin ng kanyang alaga ang Krystala pagkatapos ng Bastat Kasama Kita sa darating na Setyembre. AD