Snooky, di natagalan, nag-walkout sa sariling pelikula
June 28, 2004 | 12:00am
Ang manager mismo ni Snooky Serna ang nagsabing hindi tinapos ng kanyang alaga ang panonood ng pelikulang Anak Ka Ng Tatay Mo! dahil sa malaking pagkadismaya sa kinalabasan ng pelikula. Kasama ang aktres sa pelikula bilang ina ng bidang si Ram Revilla.
Hindi maganda ang pakiramdam ni Snooky ng gabing iyon pero dahil propesyunal ito sa kanyang trabaho ay pinilit pa rin nitong dumalo. Maraming napansin ang aktres sa kabuuan ng pelikula na posibleng naging dahilan kung bakit lalong sumama ang kanyang pakiramdam kaya umalis ito sa kalagitnaan ng palabas.
Very disappointed ang aktres sa parteng hindi nagkakasabay ang buka ng kanyang bibig sa kanyang sinasabi at ang matindi, nagsasalita siya pero walang boses na naririnig. Pati iyong boses ng director na nagbibigay ng instruction ay dinig sa audio at ang kulay ng pelikula ay walang tone kaya may mga eksenang maputla ang color tone ng mga bida.
Alalang-alala si Leo Dominguez sa alaga dahil mula nang umalis sa sinehan ang aktres ay hindi na nito nakausap ng buong gabing iyon dahil naka-turn off ang cellphone nito. Nalaman na lang nito nang magkausap sila na nagkaroon ng breakdown ang aktres dahil sa matinding sama ng loob.
Sumama rin daw ang loob ng dating Senador Revilla dahil sa kinalabasan ng pelikula na hindi mo malaman ang pinapanood mo kung rushes ng pelikula.
Dagdag pa rito ay nagkaroon rin ng samaan ng loob sina Albert Martinez at Ronnie Ricketts dahil nag-aagawan pala sila ng schedule sa color production. Hindi natin masisisi si Ricketts kung mag-insist ito na dapat ang pelikula nilang Mano-Mano 3 ang bigyan ng prayoridad dahil sila ang nauna at sila ang isa sa official entry ng festival samantalang humahabol lang itong Anak Ka Ng Tatay Mo! dahil umatras ang Liberated 2 ng Seiko Films. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended