Kung titingnan ang aktres ay halos hindi ito makabasag-pinggan at may maamo pang mukha kaya hindi mo iisipin na magpapa-abort ito.
Ngayong kasagsagan ng balita tungkol sa pagbubuntis ni Valerie na nagsabing hindi niya ipalalaglag ang dinadala sa sinapupunan ay hindi kaya makunsensya ang aktres na ito sa kanyang pagpapa-abort? Kunsabagay sikat kasi ang aktres na ito kung saan iniisip marahil na makakaapekto sa kanyang career kapag itinuloy ang pagbubuntis.
Magaling umarte ang sikat na young actress kaya hindi nababakante sa mga TV shows lalu na sa teleserye. Actor ang boyfriend ng aktres na ito.
Ayon sa aktres, okey ang kanyang mommy kay Frank. "Kaya lang pag nakikita na niyang seryoso talaga ang relasyon namin ay napa-praning na siya. Ayaw pa niya kasing maging seryoso ako sa aking ka-relasyon at hindi ito mapakali kapag kausap ko siya (Frank) lagi. Nagustuhan ko ang pagiging open-minded ni Frank at hindi nai-insecure kahit mas sikat ako sa kanya. Yoong ngang ginamit kong damit sa Sabel bilang tomboy ay hiniram ko sa kanya," sey ni Sunshine.
Ito yong Anak Ka ng Tatay Mo kung saan nabigyan ng trabaho ng prodyuser ang mga datihang artista. Bukod pa rito bilang ina ay napagbigyan din niya ang matagal nang pangarap ng kanyang anak na maging bahagi ng showbiz. Nanggaling kasi ito sa angkan ng mga artista at gustong sundan ang yapak ng amang si Sen. Ramon Revilla.
Komo bagito sa pagpo-prodyus ay di maialis na nagkaroon ito ng maraming problema.
Noong premiere night ng pelikula ay punumpuno ang sinehan ng mga tao. Okey ang daloy ng istorya sa simula pero sa dakong huli ay hindi nag-synchronized ang buka ng bibig sa sinasabi ng mga artista. Gustong ipaliwanag ng prodyuser na hindi pa naman yoon ang final print pero sa kagustuhang maipalabas ay hindi inaasahan ang pangyayari. Pero nagawan ito ng paraan dahil pinatulungan sila ni Sen. Revilla sa mga anak na sina Marlon at Strike kung saan magdamag inayos ang pelikula sa Cine Color. Kaya naman Biyernes na ito maipalabas sa mga sinehan, na dapat ay noon pang Miyerkules naipalabas.
Ang mga ganitong problema ay nangyayari naman sa mga baguhang prodyuser gaya ni Lenlen. Dasal nga namin na sanay kumita naman ang pelikula para marami pang mabigyan ng trabaho ang mga taga-industriya.
With regards to Ram Revilla bilang baguhan ay kinakitaan naman ito ng potensyal sa pag-arte at maganda ang rehistro niya sa big screen bilang teen idol.
First time nitong makakarating ng Amerika kaya excited na siya kung saan kasama sila ni Mahal sa concert nina Dolphy at ZsaZsa Padilla. Aalis sila sa June 30 pero babalik din sa July 27.
Sa magkakapatid ay panganay si Mura pero siya lang ang lumabas na unano. Malaki na ang naitulong ng pag-aartista ni Mura dahil ngayon ay magaan na ang pamumuhay nila sa Bicol. Mula sa kahirapan ay naiahon ni Mura ang kanyang pamilya kaya naman maganda ang karma ng unanong lalaki na napagkamalan pa ring babae dahil cute ang mukha nito.
Inihayag ni Wilson Tieng na natutuwa sila na mapili sila ng UIP bilang partner nila sa pamumuno ng Gen. Manager ng UIP sa Pilipinas na si Selina de Venecia.