^

PSN Showbiz

Young actress, bagpa-abort sa US!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kung naibunyag ang pagbubuntis ni Valerie Concepcion taliwas naman ito sa isang sikat na young actress din. Nawala ito sandali ayon sa isang source at sinabing magbabakasyon lang sa Tate pero yun pala ay nagpa-abort. May pagka-liberated kasi ang young actress na bumilang na rin ng boyfriend na taga-showbiz.

Kung titingnan ang aktres ay halos hindi ito makabasag-pinggan at may maamo pang mukha kaya hindi mo iisipin na magpapa-abort ito.

Ngayong kasagsagan ng balita tungkol sa pagbubuntis ni Valerie na nagsabing hindi niya ipalalaglag ang dinadala sa sinapupunan ay hindi kaya makunsensya ang aktres na ito sa kanyang pagpapa-abort? Kunsabagay sikat kasi ang aktres na ito kung saan iniisip marahil na makakaapekto sa kanyang career kapag itinuloy ang pagbubuntis.

Magaling umarte ang sikat na young actress kaya hindi nababakante sa mga TV shows lalu na sa teleserye. Actor ang boyfriend ng aktres na ito.
Sunshine ‘Di Pa Seryoso Kay Frank
Ilang okasyon na naming nakikita si Mommy Dorothy Laforteza kasama ang anak na si Sunshine Dizon at ang boyfriend nitong si Frank Garcia. Boto ba ang mommy mo sa iyong nobyo? tanong namin kay Sunshine nang makatabi namin sa press preview ng Sabel.

Ayon sa aktres, okey ang kanyang mommy kay Frank. "Kaya lang pag nakikita na niyang seryoso talaga ang relasyon namin ay napa-praning na siya. Ayaw pa niya kasing maging seryoso ako sa aking ka-relasyon at hindi ito mapakali kapag kausap ko siya (Frank) lagi. Nagustuhan ko ang pagiging open-minded ni Frank at hindi nai-insecure kahit mas sikat ako sa kanya. Yoong ngang ginamit kong damit sa Sabel bilang tomboy ay hiniram ko sa kanya," sey ni Sunshine.
Naaawa Kami Sa Prodyuser
First time na magprodyus si Genelyn Magsaysay ng Magsaysay Films International para sa launching movie ng kanyang anak na si Ram Revilla.

Ito yong Anak Ka ng Tatay Mo kung saan nabigyan ng trabaho ng prodyuser ang mga datihang artista. Bukod pa rito bilang ina ay napagbigyan din niya ang matagal nang pangarap ng kanyang anak na maging bahagi ng showbiz. Nanggaling kasi ito sa angkan ng mga artista at gustong sundan ang yapak ng amang si Sen. Ramon Revilla.

Komo bagito sa pagpo-prodyus ay di maialis na nagkaroon ito ng maraming problema.

Noong premiere night ng pelikula ay punumpuno ang sinehan ng mga tao. Okey ang daloy ng istorya sa simula pero sa dakong huli ay hindi nag-synchronized ang buka ng bibig sa sinasabi ng mga artista. Gustong ipaliwanag ng prodyuser na hindi pa naman yoon ang final print pero sa kagustuhang maipalabas ay hindi inaasahan ang pangyayari. Pero nagawan ito ng paraan dahil pinatulungan sila ni Sen. Revilla sa mga anak na sina Marlon at Strike kung saan magdamag inayos ang pelikula sa Cine Color. Kaya naman Biyernes na ito maipalabas sa mga sinehan, na dapat ay noon pang Miyerkules naipalabas.

Ang mga ganitong problema ay nangyayari naman sa mga baguhang prodyuser gaya ni Lenlen. Dasal nga namin na sana’y kumita naman ang pelikula para marami pang mabigyan ng trabaho ang mga taga-industriya.

With regards to Ram Revilla bilang baguhan ay kinakitaan naman ito ng potensyal sa pag-arte at maganda ang rehistro niya sa big screen bilang teen idol.
Di Type Ligawan Si Mahal
Nakakwentuhan namin si Mura na 28 years old na pala. Tinanong namin kung bakit hindi niya ligawan si Mahal na 29 years old naman. "Friends lang po kami at di ko siya liligawan," aniya. Maganda ang career nito dahil kasali siya sa Volta bilang Nine Volts at isa sa kontrabida sa Marina sa papel na Ninja.

First time nitong makakarating ng Amerika kaya excited na siya kung saan kasama sila ni Mahal sa concert nina Dolphy at ZsaZsa Padilla. Aalis sila sa June 30 pero babalik din sa July 27.

Sa magkakapatid ay panganay si Mura pero siya lang ang lumabas na unano. Malaki na ang naitulong ng pag-aartista ni Mura dahil ngayon ay magaan na ang pamumuhay nila sa Bicol. Mula sa kahirapan ay naiahon ni Mura ang kanyang pamilya kaya naman maganda ang karma ng unanong lalaki na napagkamalan pa ring babae dahil cute ang mukha nito.
Bonggang Presentation Ng Solar-Uip
Sa isang bonggang pagdiriwang ng Solar Entertainment Corporation at United International Pictures ay pinapanood sa mga panauhing taga-media, sponsor at theatrical group ang mga naka-line-up na pelikula ng UIP sa taong ito. Kinabibilangan ito ng Mean Girls, Along Came Polly, The Stepford Wives, Collateral, The Bourne Supremacy, Connie & Carla, The Terminal, Shark Tale, Without a Paddle, The Manchurian Candidate, Surviving Christmas at What’s It All About Alfie? at marami pang iba.

Inihayag ni Wilson Tieng na natutuwa sila na mapili sila ng UIP bilang partner nila sa pamumuno ng Gen. Manager ng UIP sa Pilipinas na si Selina de Venecia.

vuukle comment

ALONG CAME POLLY

ANAK KA

CENTER

NAMAN

RAM REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with