Jao,Onemig dumaan sa kamay ni Osang ?

Medyo ok na ang kwento sa amin ni Kuya Germs nang huli naming makausap. Naigagalaw na raw ng kanyang kapatid ang kamay at paa, pero marami pa ring nakakabit na kung anu-anong instrumento. Siguro, iyon nga ang cardiac monitor at iba pa, kasi nasa ICU ang kanyang nakatatandang kapatid matapos itong ma-stroke.

Noong nakaraang presentation ng Master Showman Presents, pinipilit ni Kuya Germs na magmukhang masaya, kasi nagsi-celebrate siya ng anniversary ng network sa kanyang show, pero ang totoo pala ay magulo na ang isip niya kasi nga nasa malubhang kalagayan ang kanyang kapatid. Magulung-magulo nga raw ang isip niya noon dahil the night before, sinabi pa sa kanya na talagang masama na ang sitwasyon at hindi rin masabi kahit na ng mga doktor kung ano ang mangyayaring kasunod.

Noon ngang nagkukwento sa amin si Kuya Germs pagkatapos ng kanyang show, halata naming naluluha na siya. Pero sa kabuuan ng show, talagang pinairal niya ang prinsipyong the show must go on, walang nakahalata ng kanyang mabigat na problema.

Pero nasabi nga namin sa kanya na nadaanan namin ang pareho ring sitwasyon. Dahil din sa atake sa puso ay sinabi sa aming maaari kaming mamatay noon din mismong araw na yon, pero narito kami sa awa ng Diyos at nakaligtas sa bagay na yon.

Salamat sa Diyos at sa amin ding mga kaibigan na tumulong at nagpalakas ng aming loob. Naulit nga namin kay Kuya Germs ang aming pagtitiwala sa santong si Padre Pio, sa loob ng panahon ng aming apat na ulit na atake sa puso, ay pinaniniwalaan naming gumawa ng milagro para sa amin.
* * *
Kung kami ang tatanungin, hindi na dapat pangnagsalita si Jao Mapa tungkol doon sa mga tsismis sa kanila ni Rosanna Roces. Nagsimula yan nang mabanggit ni Lolit Solis ang pangalan ni Jao at ni Onemig Bondoc, na nakapagbigay ng malisyosong kahulugan para sa ibang nakarinig. Ang katwiran ni Jao, siguro raw tsismis pa rin yan dahil sa ginawa nilang pelikula noong araw. Pero hindi raw sila nagkaroon ng relasyon.

Hindi naman kami naniniwala na magkakaroon nga sila ng relasyon. At bakit naman makikipag-relasyon si Rosanna sa mga bagets pa noong sina Jao at Onemig? Pero mas maganda nga siguro kung hindi na lang sila magsasalita tungkol doon. May mga issues na mas mabuti kung palilipasin na lang.
* * *
Ilang panahon na ring naninirahan sa abroad ang isang Pinoy na male star. Wala na kasi siyang assignment dito, kaya mas mabuti pa nga namang naroroon siya. Mayka-relasyon daw ang nasabing male star na isang foreigner, na mukhang nasa diplomatic corpse kaya naroroon siya. Bading ang foreigner. Kung sabagay hindi naman katakataka kung makisama man ang male star na yan sa isang bading dahil dito pa naman, marami na siyang mga ganyang relasyon, at saka may tsismis din naman kasi na bading din siya.

Show comments