Inaamin ni Ted na hindi na siya masaya bilang isang pulitiko at gusto niya na ang ginagawa niya ay nakakapagpasaya sa kanya, kundi aayawan niya. After all, nagpulitika lamang siya para buwagin ang isang dynasty and to make a difference.
Naniniwala siya na may mali sa ating political system at ang na- mamayani ay patronage politics. Matapos man niya ang tatlong terms niya bilang isang congressman, na-realize niya na hindi na siya makakawala rito. "Pagkatapos sa Congress, ano pa ang gagawin ko, kung tatakbo bilang gobernador o ano mang mas mataas na posisyon, at pagkatapos ay wala na," ang sabi niya sa paglulunsad ng Hoy Gising na magsisimula na namang mapanood ngayong Sabado, Hunyo 26, 3:30-4:30 NH. Bumabalik dito si Ted bilang host kasama sina Bernadette Sembrano at Connie Sison. Sa maraming taon ng programa sa ere, iba-iba na ang nakasama ni Ted. Gaya nina Korina Sanchez at Kris Aquino, Ruth Abao at Gel Relos.
Ang bagong Hoy Gising ay magtatangkang hindi maging negatibo sa manoood. Sa halip, ipo-promote nito ang Kapamilya spirit sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa nangangailangan. Sa bagong programa, ang gigisingin ay ang mga mamamayang may kakayahang tumulong. Madali na silang ma-kontak dahil bukod sa landline, mayrong text line at e-mail address (hoy gising@abscbn. com) ang Hoy Gising.
Hindi maitatatwang pinaka-abalang singer si Regine sa bansa. Sa Setyembre, magkakaron siya ng major concert sa Pampanga Sports Center.
Di naman patatalo ang mga Manileño dahil sa Disyembre 3 at 4, mapapanod ang major concert niyang Reigning Still, sa Araneta Coliseum.
Sa kasalukuyan, ginagawa niya ang isang pelikula para sa Viva Films kasama sina Aga Muhlach at Judy Ann Santos.
Maganda sana ang Anak Ka Ng Tatay Mo, kung ito lamang ay naidirek ng mahusay. Ang hindi ko malaman ay kung saan parte nag-take over si Albert Martinez over Director Edd Palmos.
Maganda ang concept, story ng movie. Magagaling din ang cast pero pati editing ay nag-suffer ng malaki dahil hindi nagampanan ng husto ng direktor ang trabaho niya. Akala ko pa naman ay si Toto Natividad ang nag-edit. So what happened? Maraming bahagi ang walang sound pero, nakikita na bumubuka ang labi ng mga artista.
Sana, makabawi ang Magsaysay Films dito dahil nakita ko maraming mga dating artista ang nabigyan ng trabaho.