Ang Manila Film Festival 2004 din ang isa sa pinaka-star studded sa kasaysayan ng taunang festival. May entry sina Aiai dela Alas, Judy Ann Santos, Robin Padilla, Snooky Serna, Jean Garcia, Albert Martinez, Ronnie Ricketts at Nora Aunor. Sila-sila rin ang magtutunggali for the acting awards.
Malaki ang preparations ng Manila Film Festival Committee. Bukod sa premiere na naganap kahapon sa SM Manila, mayroon ding parade of stars ngayon ang anim na kalahok na pelikula. Lilibutin nila ang kasuluk-sulukan ng Maynila.
Kahanga-hanga ang pagpapahalaga ni Manila Mayor Lito Atienza sa pelikulang Pilipino. Aniya, ipagpapatuloy niya ang taunang festival para sa promotion ng mga dekalibreng pelikulang Pilipino.
Sana ay maging matagumpay ang Manila Film Festival 2004 at maibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa mga pelikulang sariling atin.
"Napanood ko na kasi ang movie at sa totoo lang, ngayon lang ako naging very proud sa isang local movie," sabi nito. "Ang husay ng pagkakagawa ng movie namin at ang special effect, comparable talaga sa mga movies sa Hollywood. Hindi ako nagbibiro, talagang bumibilib ako sa husay ng Pinoy."
In full-costume si Aiai sa parada ngayong araw. Kasama niya sa float ang iba pang cast ng movie tulad nina Jean Garcia, Eugene Domingo, Justin Cuyugan, Pauleen Luna, Mura at Chokoleit. Join din sa parada ang direktor na si Wenn Deramas pagkatapos ng parada, maglilibot sila ng mga sinehan at mamimigay ng Volta mask.
Dahil pambata ang Volta, inaasahan na ito ang magiging topgrosser sa anim na entries. Ang tanong, ma-surpass kaya ng Volta ang kinita ng Ang Tanging Ina (also an Aiai delas Alas starrer) which is now considered as the highest-grossing local movie of all time that earned P240 million.
"Shes like a mother to all of us," sabi ng isang staffer. "She inspires all of us with her stories, wisdom and intelligence. And very proffessional at mahusay pa din. Pag may gimik ang buong cast, she make it a point to join us. Nakiki-bonding talaga."
Hindi man aminin ni Snooky, ang taong 2004 ang isa sa pinaka-fruitful niyang taon. Sa taong ito tulyan siyang nakabalik sa mainstream showbiz. Matapos niyang manalo last year sa Star Awards for Television, nagsunud-sunud na ang projects niya.
Kahit si Marina director Wenn Deramas has good words for Snooky.
"Mahusay talaga siya. Hindi mo pwedeng tawaran ang kakayahan niya bilang aktres," sabi ni Wenn.
Good for Snooky. Inamin din niya na natapos na ang kaunting problema sa pagsasama nila ni Ricardo Cepeda. Ngayon daw ay going smooth ang pagsasama ng kanilang pamilya.
Isang kahanga-hanga kay Snooky, ay kung paano noya pinalaki ang mga anak nila ni Ricardo. Isa talaga siyang huwarang ina.