^

PSN Showbiz

Anu-ano bang pelikula sa MFF ang karapat-dapat ?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Tomorrow, Wednesday na ang opening ng six movies na official entry sa 2004 Manila Film Festival.

Una kong panonoorin ang Volta starring Aiai delas Alas, Diether Ocampo, Jean Garcia, Onemig Bondoc among others under the direction of Wenn Deramas from Star Cinema.

Looks like exciting kasi ang mga special effects ng movie ni Aiai base sa napapanood kong trailer ng pelikula.

Parang natural ang paglipad ni Aiai, parang interesting sa mga naunang Darna.

Kung sabagay, sabi nga ni Aiai, kahit daw siya ay naiyak nang mapanood niya ang sariling movie. Hindi raw niya ini-expect na ganoon kaganda ang kalalabasan ng pelikula.

Masyadong mataas ang expectation ng lahat sa Volta dahil sa trailer pa lang, exciting na. Sabi ng isang bagets na napanood ang trailer, "Mommy dapat tayo ang unang makapanood ng Volta."

After Volta, watch ako ng Kulimlim starring Robin Padilla and Tanya Garcia.

Like Volta, interesting ang first suspense trailer movie ni Robin. Sa nakita kong trailer sa kanilang presscon, aba nakakatakot. Parang hindi yata ako makakatulog after kong panoorin ang movie. Pero di bale watch pa rin ako - for a change. Gusto kong makita kung paano nag-transform ng character si Robin - from an ideal husband sa pagiging evil husband matapos siyang sapian ng kaluluwa ng rapist ng kanyang asawa dahil sa kanyang paghahanap dito matapos pakawalan ng Supreme Court.

Nang tanungin si Robin kung naniniwala ba siya sa mga sumasanib na ispiritu, sabi ng actor: "Yes it can happen, it’s very possible.

"But God is stronger than the evil," sabi ni Robin who is a Muslim (Allah is God in Moslem religion). The best defense against possession is prayer. If God/Allah is on your side, you have nothing to fear."

"I’ve never done this kind of role before," he said na naka-schedule magbakasyon pagkatapos ng pelikulang ito sa Australia para makapiling ang pamilya na sa pakiramdam niya ay matagal-tagal din niyang hindi nakasama. Babawi raw siya at the same time mag-aaral ng English at Arabic. "Pakiramdam ko nga, after the shooting na-possessed talaga ako ng character ko." Pero buti na lang daw at hindi. "But as I’ve said, Allah/God is the Supreme Power. Prayer is the best weapon, more powerful than gun."

Tulad ng isang Muslim, nagdadasal si Robin ng limang beses sa isang araw.

After Kulimlim, Sabel ang destination ko. Maraming magandang review sa pelikula. Ang galing daw ni Judy Ann Santos sa pelikula at ni Sunshine Dizon na dinirek ni Joel Lamangan.

Nagpakita rin daw ng flesh si Juday dito na first time niyang ginawa kaya maraming masa-shock na fans niya.

Si Sunshine naman daw ay tomboy na tomboy ang dating. Buti na lang daw at may boyfriend ito or else pwede siyang pagkamalang totoong tongril.

Gawa ng Regal Entertainment ang Sabel.

Next ang Naglalayag starring Nora Aunor and Yul Servo. Maryo J. delos Reyes masterpiece din ito like Kulimlim.

Nakipag-kissing din daw si Ate Guy ng grabe kay Yul kaya nagsisigawan ang mga taong nakakapanood ng trailer nito sa mga sinehan.

Ang movie ni Ronnie Ricketts, type ko ring panoorin. More on martial arts daw ang movie at walang halong sexy kahit kasama sa cast si Gwen Garci.

Ang Anak Ka Ng Tatay Mo, panonoorin ko ba’yun? I’ll think about it. Wala akong masyadong naririnig sa movie except sa anak ni Senator Revilla at kapatid ni Bong ang bida sa movie na si Ram Revilla. Kung may naririnig man ako, ‘yun ay ang tsismis na malimit daw mag-walk out ang direktor nito no’ng time na nagso-shooting sila, si Direk Edd Palmos na hindi ko na kilala dahil matagal na nawala sa eksena.
* * *
PERSONAL

Thanks a lot to Sir Romy Balingasa ng Tabugon Check Point in Tabugon Quezon. Thanks a lot sir. Isa siya sa iilang official na ginagawa ang tungkulin sa mamamayan.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail -[email protected]/[email protected]

AIAI

ANAK KA NG TATAY MO

ATE GUY

BUT GOD

DAW

DIETHER OCAMPO

EDD PALMOS

KULIMLIM

MOVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with