Mga kanta ng lalaki ang ni-evive ni jaya sa bagong album niya
June 22, 2004 | 12:00am
Pagkatapos ng apat na taon na pamamahinga sa recording, nagsisimula na uling mag-record ng sariling album si Jaya under Viva Records pa rin. Kung tutuusin ay maraming pinasikat na kanta si Jaya kaya sobrang excited na siya sa kanyang ginagawang album.
First time din niyang makakatrabaho si Ogie Alcasid sa paggawa ng album. Isa si Ogie sa gagawa ng kanta para kay Jaya. "Kilala naman natin si Ogie sa mga pamatay niyang love songs and Im sure susulat naman siya ng kanta na magugustuhan nating lahat," pagmamalaki ni Jaya. Bukod kay Ogie makakatrabaho rin ni Jaya si Vehnee Saturno at marami pang mahuhusay na composer ng bansa.
Hindi rin mawawala ang mga revival song sa album ni Jaya na kalimitan niyang niri-revive ay songs ng mga lalaking singer. "Gusto ko kasing kantahin yung kanta ng mga male singers in a woman point of view for a change," paliwanag nito.
Bukod sa SOP, K-1M Videoke Challenge confirmed na kasama na rin si Jaya sa bagong show ng GMA-7 na Pinoy Pop Idol bilang isa sa judges ng programa kung saan si Regine Velasquez ang magsisilbing host. Katulad sa set-up ng American Idol isa si Jaya sa mang-ookray sa mga contestant. Makakasama ni Jaya as judges ay sina Danny Tan at Direk Floy Quintos. Pero mukha raw na hindi niya kayang mang-okray ng ibang tao kaya malamang daw na puro advices ang ibibigay niya sa mga aspiring singers.
Finally pagkatapos ng dalawang taong paghihintay ay nai-launch na rin ang pang-anim na album ng multi-awarded R&B group na South Border na pinamagatang "South Border Episode III."
Parang nanibago ako sa bagong album ng SB na ang tunog ay malayo sa image ng SB na showcase ng album ang unique vocal talents ng mga new lead singers nilang sina Vince Alaras at Duncan Ramos. Aminado naman ang grupo na mula nang makasama nila sa banda ang dalawa na bukod sa feeling young din sila ay mas dumami rin ang kabataan nilang fans.
"Nandoon pa rin naman ang tunog ng SB pero kailangan din naman naming sumabay sa panahon at sa mahigpit na competition sa labas. Gusto rin naman natin na makilala sa ibang bansa. Kung kaya medyo tunog labas ang dating ng album. Hopefully magustuhan pa ng mga fans pagkatapos mag-hit ngayon ng "Rainbow". At sana, ma-pick up din ito sa labas. Lahat naman ng singers ay pangarap na makilala sa ibang bansa o maka-penetrate sa Hollywood," asam ni Jay Durias na musical director ng banda.
Ang "SB Episodes III" ay available na sa mga record bars na distributed ng Sony Music Phils.
Umabot na pala sa more than 500,000 copies ang naibentang album across the globe ng jazz diva na si Stacey Kent na pinamagatang "The Boy Next Door".
Itoy collection ng male musical heroes ni Stacey tulad nina Frank Sinatra, Tony Bennett, Nat King Cole and James Taylor. Naglalaman ito ng 10 kanta na umaani ng magagandang review sa loob at labas ng bansa.
First time din niyang makakatrabaho si Ogie Alcasid sa paggawa ng album. Isa si Ogie sa gagawa ng kanta para kay Jaya. "Kilala naman natin si Ogie sa mga pamatay niyang love songs and Im sure susulat naman siya ng kanta na magugustuhan nating lahat," pagmamalaki ni Jaya. Bukod kay Ogie makakatrabaho rin ni Jaya si Vehnee Saturno at marami pang mahuhusay na composer ng bansa.
Hindi rin mawawala ang mga revival song sa album ni Jaya na kalimitan niyang niri-revive ay songs ng mga lalaking singer. "Gusto ko kasing kantahin yung kanta ng mga male singers in a woman point of view for a change," paliwanag nito.
Bukod sa SOP, K-1M Videoke Challenge confirmed na kasama na rin si Jaya sa bagong show ng GMA-7 na Pinoy Pop Idol bilang isa sa judges ng programa kung saan si Regine Velasquez ang magsisilbing host. Katulad sa set-up ng American Idol isa si Jaya sa mang-ookray sa mga contestant. Makakasama ni Jaya as judges ay sina Danny Tan at Direk Floy Quintos. Pero mukha raw na hindi niya kayang mang-okray ng ibang tao kaya malamang daw na puro advices ang ibibigay niya sa mga aspiring singers.
Parang nanibago ako sa bagong album ng SB na ang tunog ay malayo sa image ng SB na showcase ng album ang unique vocal talents ng mga new lead singers nilang sina Vince Alaras at Duncan Ramos. Aminado naman ang grupo na mula nang makasama nila sa banda ang dalawa na bukod sa feeling young din sila ay mas dumami rin ang kabataan nilang fans.
"Nandoon pa rin naman ang tunog ng SB pero kailangan din naman naming sumabay sa panahon at sa mahigpit na competition sa labas. Gusto rin naman natin na makilala sa ibang bansa. Kung kaya medyo tunog labas ang dating ng album. Hopefully magustuhan pa ng mga fans pagkatapos mag-hit ngayon ng "Rainbow". At sana, ma-pick up din ito sa labas. Lahat naman ng singers ay pangarap na makilala sa ibang bansa o maka-penetrate sa Hollywood," asam ni Jay Durias na musical director ng banda.
Ang "SB Episodes III" ay available na sa mga record bars na distributed ng Sony Music Phils.
Itoy collection ng male musical heroes ni Stacey tulad nina Frank Sinatra, Tony Bennett, Nat King Cole and James Taylor. Naglalaman ito ng 10 kanta na umaani ng magagandang review sa loob at labas ng bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended