Hero,nagsinungaling, hindi totoong poor ?
June 22, 2004 | 12:00am
Nag-uunahan ang ang ABS-CBN at GMA-7 sa pagsasadula sa life story ni Isabela Governor-elect Grace Padaca. Pumayag na si Gov. Padaca na sa Magpakailanman ibigay ang rights na maisadula ang kanyang buhay nang kausapin siya ng isang taga-Siete.
Kaso, nang mag-guest ito sa Good Morning Kris ni Kris Aquino, kinukumbinse siya nitong sa Maalaala Mo Kaya ibigay ang kanyang life story. Magaling mangumbinse si Kris kaya, kahit naka-oo nay nawalan ng pag-asa ang Ch. 7 na sa kanila ibibigay ni Gov. Padaca ang rights na maisadula ang kanyang buhay.
Magandat controversial ang buhay ni Gov. Padaca lalo na nitong nakaraang eleksyon at bago siya maiproklamang gobernador ng Isabela. Tiyak na panonoorin ito ng lahat sa Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman ang makapagsadula.
Hanggang sa Sabado, June 26 na lang ang Celebrity Turns nina Michael V. at Pops Fernandez. Sa July 3, papalitan ito ng bagong show ni Michael V. na Bitoys Funniest Video. Hindi nag-klik sa televiewers ang tandem nina Michael V. at Pops sa Celebrity Turns at kailangan na itong tsugihin. Isa pang rason ng GMA-7 para tsugihin ang show ay para hindi pagsawaan ang character ni Michael V. na si Junie Lee.
Nabili ng Ch. 7 ang rights ng Americas Funniest Video at ito ang gagayahin ng bagong show ni Michael V. Pinaabangan ng comedian ang initial telecast ng show dahil ibat ibang mga nakakatuwang video ang kanilang ginawa. Inirereklamo lang nito ang prosthetics na inilalagay sa kanyang mukhat mainit at makati raw.
Samantala, pinaghahandaan na ni Michael V. ang concert niya sa Araneta Coliseum billed Michael V. Show Ko To sa July 17. Puno ng guest ang concert kabilang sina Janno Gibbs, Allan K., Aubrey Miles, Jenine Desiderio, Rainier Castillo at Francis Magalona. Kasama rin ang Sexballs pero, wala si Ogie Alcasid dahil aalis ito sa first week ng July para bisitahin ang pamilya sa Australia.
"Ambisyoso ang concert na ito. Were trying to come up with a show na magiging pamantayan ng mga susunod na show ng mga comedian. Positive ako kaya, umaasa akong marami ang manonood. Kapag nag-klik ito, saka namin dadalhin sa smaller venue," kwento ni Michael V.
Co-producer din si Michael V. ng sariling concert kasama ang X-Zone. Si Floy Quintos ang director nitot katulong sa script ang mga scriptwriter ng Bubble Gang na sina Cesar Cosme, Chito Francisco at Mon Roco.
Ang tiket sa concert ay mabibili sa SM Ticketnet at Araneta Box Office.
Naiinip na ang fans ni Hero Angeles at ang grupo ng Star Circle Quest kung kailan ang airing ng Star Circle Reload. Hindi natuloy ang first two scheduled telecast na June 12 at 19 dahil nagkasakit si Hero. Ayaw simulan ng ABS-CBN ang airing ng show kung wala silang naiipon na episode. As of now, wala pang bagong schedule kung kailan na maipapalabas ang show.
Incidentally, iniintriga si Hero. Hindi raw talaga ito mahirap gaya nang ikinukwento nito sa press. May Toyota Revo raw ang pamilya nito at hindi totoong nagku-commute ito pag umuuwi sa Cañiogan, Pasig.
Ano kaya ang masasabi ni Hero rito? Nakakaloka dahil taga-Ch. 2 mismo ang source ng balitang ito.
Kaso, nang mag-guest ito sa Good Morning Kris ni Kris Aquino, kinukumbinse siya nitong sa Maalaala Mo Kaya ibigay ang kanyang life story. Magaling mangumbinse si Kris kaya, kahit naka-oo nay nawalan ng pag-asa ang Ch. 7 na sa kanila ibibigay ni Gov. Padaca ang rights na maisadula ang kanyang buhay.
Magandat controversial ang buhay ni Gov. Padaca lalo na nitong nakaraang eleksyon at bago siya maiproklamang gobernador ng Isabela. Tiyak na panonoorin ito ng lahat sa Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman ang makapagsadula.
Nabili ng Ch. 7 ang rights ng Americas Funniest Video at ito ang gagayahin ng bagong show ni Michael V. Pinaabangan ng comedian ang initial telecast ng show dahil ibat ibang mga nakakatuwang video ang kanilang ginawa. Inirereklamo lang nito ang prosthetics na inilalagay sa kanyang mukhat mainit at makati raw.
Samantala, pinaghahandaan na ni Michael V. ang concert niya sa Araneta Coliseum billed Michael V. Show Ko To sa July 17. Puno ng guest ang concert kabilang sina Janno Gibbs, Allan K., Aubrey Miles, Jenine Desiderio, Rainier Castillo at Francis Magalona. Kasama rin ang Sexballs pero, wala si Ogie Alcasid dahil aalis ito sa first week ng July para bisitahin ang pamilya sa Australia.
"Ambisyoso ang concert na ito. Were trying to come up with a show na magiging pamantayan ng mga susunod na show ng mga comedian. Positive ako kaya, umaasa akong marami ang manonood. Kapag nag-klik ito, saka namin dadalhin sa smaller venue," kwento ni Michael V.
Co-producer din si Michael V. ng sariling concert kasama ang X-Zone. Si Floy Quintos ang director nitot katulong sa script ang mga scriptwriter ng Bubble Gang na sina Cesar Cosme, Chito Francisco at Mon Roco.
Ang tiket sa concert ay mabibili sa SM Ticketnet at Araneta Box Office.
Incidentally, iniintriga si Hero. Hindi raw talaga ito mahirap gaya nang ikinukwento nito sa press. May Toyota Revo raw ang pamilya nito at hindi totoong nagku-commute ito pag umuuwi sa Cañiogan, Pasig.
Ano kaya ang masasabi ni Hero rito? Nakakaloka dahil taga-Ch. 2 mismo ang source ng balitang ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended