The day before ay napanood ko ang advance showing ng Sabel ng Regal Films at nagandahan naman ako sa kasimplihan pero, effective na performances ng mga artista rito na sina Wendell Ramos, Judy Ann Santos, Sunshine Dizon at yes, si Rio Locsin.
Pero, iba yung nakita kong peformance ng superstar sa Naglalayag. Nag-underact ito halos sa kabuuan ng pelikula pero, may isang highlight ito na mahihirapan ang mga kalaban niya na mapantayan, ito yung eksena niya sa burol ni Yul.
Si Yul, maraming magagandang eksena na kalulugdan ng mga manonood. Foremost na yung mga eksena nila ni Nora na hindi lumabas na trying hard, bagkus ay nagbibigay ng kilig sa mga manonood. Akala ko nga mati-turn off ako pero ang pagiging natural ni Yul ang nagpaganda sa mga eksena. Sabi nga ng isang katabi ko, pwede rin pala itong mag-seryoso, akala niya ay hanggang pangiti-ngiti lamang ito.
I still have to see Robin Padillas performance in Kulimlim para matiyak ko na ito ang makakalaban ng mahigpit ni Yul sa pagiging best actor. May weight na sa akin ang acting ni Robin. Kahit na nung nag-a-action pa ito ay lumalabas na ang pagiging natural na aktor nito. Eh, offbeat pa ito sa pelikula ng Viva at naalagaan ng husto ni Direk Maryo J. delos Reyes na tulad ng ginawa nitong pag-aalaga kay Yul sa Naglalayag. Yes, dalawa po ang entry ni Direk Maryo J sa MFF.
Alaga rin naman si Wendell ni Direk Joel Lamangan pero, hindi mapasusubalian na mas mabigat ang role ng mga babae sa Sabel kesa sa kanya.
Pagdating din sa mga supporting roles, ang dalawang pelikulang ito ang magiging mahigpit na magkalaban. Ang galing ni Sunshine bilang lesbiana pero hindi matatawaran ang acting ni Rio na gumanap ng di mo maipaliwanag na nanay ni Juday sa pelikula.
Magagaling din ang mga support actors ng Naglalayag, namely Chanda Romero, Irma Adlawan at Aleck Bovick.
Sayang at di nagpa-preview ang iba pang pelikula ng Manila Film Festival kaya di ko magawang isama sila sa paghahambing ko ng mga pelikula.
Sa mundo ng pelikula na ang layunin ng marami ay kumita ng pera, naiiba pa rin si Ricketts dahil gusto niyang kumita ng pera sa pamamagitan ng paggawa ng matitinong pelikula. Layunin pa rin niya na makapagbigay ng trabaho sa ilang maliliit na manggagawa sa showbiz.
Maging ang mga nakakasama niya sa trabaho, tulad ng mga co-workers niya sa Mano Mano 3 Arnis...The Lost Art na entry niya sa MFF ay di maiwasan na humanga sa kanya bilang isang all-around guy.
"Sa tanang buhay ko bilang artista, ngayon lang ako nakatanggap ng bayad na cash at kaliwaan pa," pahayag ni Monsour del Rosario.
"Ang bait-bait niya, very professional. Ang sarap niyang ka-trabaho," ani Gwen Garci naman.
"Hes very dedicated. Ready siya sa bawat araw ng shooting. Siya pa ang madalas magsabi na kailangan ko na raw umalis ng set dahil baka ma-late ako sa Eat Bulaga," sabi naman ni Leila Kuzma.
"Walang problema sa set dahil very systematic siya. Ilang beses ko na siyang naka-trabaho at consistent ang professionalism niya at kabaitan. Saludo ako sa kanya," ayon naman kay Mandy Ochoa.
Magkakaron ng premiere night ang Mano Mano 3 Arnis... The Lost Art ngayong araw June 22, 7:00 NG sa Robinsons Manila para sa kapakanan ng Philippine Cancer Society na isa sa mga institusyong tinutulungan nina Ronnie at ng asawa niyang si Mariz.