Nakuha nila ang karamihan sa major awards - Best Picture although ka-share nila ang Babae sa Break Water; Best Director - Maryo J. delos Reyes, Best Actor, Jiro Manio, Best Supporting Actor, Albert Martinez and Best Supporting Actress Ms. Gloria Romero na tumanggap din ng Natatanging Gawad Urian.
Hindi na halos mabilang ang natatanggap na award ng Magnifico sa loob at labas ng bansa na isang independent company - Violett Films ang nag-produce noong panahon na hindi gaanong kumikita ang pelikula.
Naiyak naman si Cherrie Pie Picache sa kanyang acceptance speech matapos siyang manalong best actress para sa pelikulang Bridal Shower.
Mas maraming artistang dumating sa URIAN kumpara sa mga naunang awards night na ang mga nanalo lang ang present.
Ang URIAN ang second to the last na award giving body na nagbibigay ng award sa magtatapos na awards season. Pinaka-last ang Film Academy of the Philippines na isang maambisyong awards night ang gagawin sa July 3 sa Cultural Center of the Philippines.
SVA