Americam Idol,gagawin ng World Idol
June 20, 2004 | 12:00am
Deretsong sinabi sa grand finals ng worldwide hit TV show na American Idol na mahigit na 65 million callers/texters ang pumili ng kanilang winner between Fantasia at Diana. Kung susumahin natin sa dolyares tiyak milyones na rin ang halaga ng mga botong pinadala. Kung sa piso natin, makakapagpatayo na ng malaking building at may puhunan pa sa negosyo!
Buti man lang sana kung ang lahat sa 65 million texters/callers ay solid na galing sa mga tagahanga. Tiyak naman na ang mga kamag-anak ng dalawang finalists, pati kanilang mga managers, gumasta rin ng malaki para makaboto.
Kahit sabihin pang very deserving ang magaling na si Fantasia, maraming pera pa rin ang ginasta.
Sa ating mga local talent/star search, perahan/text mismo ang kalakaran. Noong katatapos na Star Circle Quest, almost P10 million ang ginastos sa pagpapadala ang mga text votes.
Ang bulong pa sa akin, ang isang finalist, umabot sa mahigit P2 milyon ang halaga ng mga text na natanggap/pinadala. Kinakailangan din pala ang malaking puhunan para magwagi.
Talaga naman kasing imposibleng asahan na pawang mga tagahanga lamang ang magpapadala ng boto sa pamamagitan ng text. Syempre dapat din kumilos ang mga magulang, kamag-anak, kaibigan,at manager kung meron na.
Kung aasahan lang ang mga fans, maaring ikatalo pa ito ng isang finalist.
Tulad noong isang Sabado na pumili ng tatlong finalists para sa TV Idol. Lima ang pinagpilian, kaya dalawa ang matatanggal. The day after that show sa MTB, nakausap ko ng personal ang pinalad makasama sa tatlo.
"Swerte naman kahit pangatlo, nakapasok pa ang talent ko," tuwang-tuwang sabi ng manager ng napiling finalist sa TV contest na text votes ang kailangan para manalo.
Ang malungkot na parte, P36,000 ang binili niyang prepaid cellphone cards, para makapagpadala ng maraming text votes sa kanyang alaga. Sa malaking halagang nagasta, pumangatlo lamang sila!
Ibig sabihin higit na maraming nagasta ang dalawa pang napiling finalists. Hindi naman maaring sabihin na sa mga fans nila galing ang kanilang mga text votes dahil mga hindi pa sila kilala at talagang mga wala pang pangalan sa showbiz.
Ang pangako sa akin ng nakausap kong manager ng isang finalist sa TV Idol, naghahanda siya ng at least P200,000 budget para may laban naman ang mga text votes na ipapadala niya sa judgement day.
Kahit sa StarStruck, tiyak na ang mga kamag-anak ng mga finalists, malaki rin ang nagasta sa patuloy na pagpapadala ng mga text votes. Ngayon nga sa Final 4 survivors ng StarStruck Kids, kailangan pa rin ang text votes hanggang sa pinakahuling araw ng pilian ng isang parehong mananalo.
Pati ang dapat na talagang singing contest na mga Search For A Star, Star In A Million kailangan din ang text votes, bukod pa sa mga kinukuhang hurado. Kahit sa pinakamahusay kumanta, hindi siguradong mananalo kung magiging mababa ang text votes. Malaking porsyento kasi ng final grade, kailangan galing sa text votes.
Sa mga milyun-milyong pisong halaga ng mga text na tinatanggap ng mga networks mula sa ibat ibang contest, malaki rin naman ang kinikita nila, malaki na ang naisusubi nila sa mga nagmula sa text votes, kahit sabihin pang isa o dalawang milyon ang binibigay nilang premyo.
Sa text votes pa lamang, tubong nilugaw na sila. Dagdag pa rito ang mga paid commercials ng show na talaga namang loaded, lalo na kapag grand finals at ginagawa sa malaking venue.
Kaya naman halos lahat na ng mga palabas sa TV, gumagamit ng text scheme. Tulad ng Eat Bulaga at MTB na kahit sa mga pahulaan o tanungan at home partners, kailangan na rin mag-text.
Malaking karagdagan sa income ng mga networks ang mga text votes at mga text contestants!
Ginawa ng World Idol ang darating na bagong season ng global hit na American Idol. Ibig sabihin, buong mundo na ang maaring mag-text at bumoto. Pwedeng tatanggap din sila ng contestants sa ibang bansa.
Kapag may isang Pinoy na galing talaga sa Pilipinas ang pumasok na contestant sa World Idol, malaki ang chance na manalo. Bukod kasi sa maraming mahusay kumanta sa ating bansa, masipag paat talagang gumagastamag-text tayong lahat. Kahit sabihin pang P15 isang text kapag sa U.S.A ipapadala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am