Ayon sa big boss ng Solar na si Wilson Tieng. "Dahil dito ay gagamit kami ng makabagong teknolohiya upang makarating sa lahat ng sulok ng Pilipinas maging sa ibang bansa ang palabas. Bawat detalye ay kukunan namin nang malinaw para sa kasiyahan ng lahat. Ito ang panggabing show na hindi bibitiwan ng mga manonood hanggang sa matapos ang palabas," anang prodyuser.
Kabilang sa anim na kalaban para sa 18 kategorya ay ang mga sumusunod: Naglalayag (Nora Aunor, Aleck Bovick, Yul Servo) ng Angora Films; Volta (Aiai de las Alas, Jean Garcia) ng Star Cinema; Kulimlim (Robin Padilla, Tanya Garcia) ng Viva Films, Anak Ka ng Tatay Mo (Snooky Serna, Albert Martinez at Ram Revilla) ng Magsaysay Films, Sabel (Judy Ann Santos, Wendell Ramos, Sunshine Cruz at Iza Calzado) ng Regal Films; at Man-Mano 3: Arnis... The Lost Art (Ronnie Ricketts, ng Rocketts Productions.
Malakas na magtutunggali para sa Best Actress sina Guy at Juday ayon sa mga kritiko batay sa nakapanood sa press preview ng dalawang pelikula.
Magiging star-studded ang awards night dahil inaasahang dadalo ang mga malalaking bituin na kinabibilangan ng mga hosts, presentors at performers.
Bago sumapit ang awards night ay kasali na rin ang artistang kalahok sa ibat ibang events gaya ng "Palaro sa Baywalk: Challenge of the Stars" (Hunyo 19); premiere showing ng kanilang mga pelikula sa SM City Manila at Robinsons Place Manila (Hunyo 22) at motorcade (Hunyo 23).
Ang awards night ay gaganapin sa Aliw Theater sa Hunyo 28 (Lunes na nasa Star City, CCP Complex. Para sa karagdagang detalye tungkol sa advertising tawagan lang sina Cake Leander Lleander (0917-5288924); Care Siat (0917-8388586) Rea Ilagan (0917-8458305) o ang Solar Entertainment Marketing Group sa tel. blg. 8906101 loc. 209.
Napakagaling din ng portrayal ni Jean Garcia bilang prosti ng said movie ayon pa rin kay Direk at malaki raw ang chance na manalong best supporting actress.
Naalala rin ni Direk si Christopher de Leon na kahit baguhan pa lang ay nanalo na ng award sa Tinimbang Ka Ngunit Kulang bilang Best Actor. "Baka maulit ito kay Ram Revilla dahil kahit baguhan ay nagpakitang gilas ito sa akting sa kanyang launching movie.
Iba ang pakiramdam ng mayroon ina at higit sa lahat ng isang ama na siyang pinakahalagi ng tahanan. Buo at matatag ang pamilya dahil nariyan siya na laging nagbibigay ng payo at laging nagtatanong kung anong oras ako darating kapag gabi na buhat sa mga dinaluhang presscon o press preview.
Habang buhay pa si Tatay ay buong atensyon at pagmamahal ang inaalay namin. Hindi lang gamot, pagkain ang kailangan niya kundi higit sa lahat ang pagkalinga at patuloy na pag-aalaga sa kanya.
Salamat kay Ama dahil sa ginintuang aral at mahahalagang values na naibigay niya sa amin mula pagkabata hanggang sa kamiy magkaasawa.
Happy Fathers Day to all!