Sa TESDA ay napintasan sila dahil sa kanilang ginawang presentation. Si Maui at Diana ay sinabihan pa ngang di marunong magsayaw at parang walang gana! Matapos ang ilang araw ng paghihintay ay nakakuha nila ang kanilang Artists Record Book at nakabiyahe sila patungong Japan. Sa kanilang tatlong araw dito, nagtrabaho sila sa ibat ibang mga club. Dito ay mararanasan nila ang mai-table ng mga Japanese customers.
Hindi lang masasabak ang kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw kung hindi pati na rin kung paano sila makisalamuha sa ibang mga tao. Dito masusubukan ang kanilang pasensiya sa mga customer na pasaway at mangilan-ngilan na nambabastos. Bilang mga talento ay tumira sila sa masisikip na mga talent houses. Maglalaba sila ng sariling damit, maglilinis ng bahay at mamamalengke sa mga Japanese market. Sa pamamagitan ng pagtira nila rito ay mas maiintindihan nila kung gaano kahirap ang mangibang bansa at mawalay sa mga mahal sa buhay.Isa pang dapat abangan sa episode na ito ay nang maranasan ng mga challengers ang kakaibang date o ang tinatawag na "Dohan" kung saan ay makakasama nila ang mga Japanese customers sa pagka-karate. Dito ay naiyak si Diana dahil nakipag-shake hands siya sa master ng karate na bawal pala kaya pinilipit ang kamay ni Diana. Nasubukan din nilang kumain ng "Yakiniko" o ihaw-ihaw.
Ang pinaka-highlight ng episode ay nang magpanggap ang mga challengers na mga "Okama" o mga operadang bakla sa Japan. Sumama sila sa isang production number at pagkatapos ay tumawag ng mga Japanese customers para mamili kung sino sa kanila ang tunay na babae....Dito nahirapan ang mga challengers sa pagpo-project at meron pa nga sa kanilang napagkamalang lalaki! Si Ethel Booba, hindi rin nagpa-awat dahil pati siya nakisali sa gulo!
Patuloy na panoorin ang Talento episode at alamin ang tunay na buhay ng ating mga kababayan doon. Gaano nga ba kahirap ang kumita ng lapad? Totoo nga bang isang paraiso ito para sa mga bading? Ang "Talento" ay mapapanood lang sa Extra Challenge simula noong June 14 hanggang 24, dito lang sa GMA.