Rosanna Roces, hinihintay na ng ABS-CBN?

After Lukso ng Dugo, isa uling public service show ang gagawin ni Bernadette Sembrano sa ABS-CBN, ang Kapamilya Hotline. This time, may co-host na siya si Ted Failon. Papalitan nito ang slot na iiwan ni Karen Davila sa Simpleng Hiling.

One season lang ang itinagal ng Lukso Ng Dugo dahil hindi nga ito masyadong nag-rate ayon sa source ng Baby Talk.

o0o

Hinihintay lang palang matapos ng ABS-CBN ang contract ni Rosanna Roces sa GMA 7 at makakasama na ito sa show na katapat ng Startalk, ang EK Channel. "Hindi pa kasi puwede ngayon dahil nga may contract pa siya sa kabila kaya standby muna siya," say ng source ng Baby Talk.

Maging si Butch Francisco daw ay may offer na rin sa ABS-CBN. Hinihintay na lang daw ang sagot ni Butch.

Kaya naman pala ganoon na lang ang back-up ng ABS-CBN noon sa kaso ni Osang dahil meron silang agenda.
* * *
By this time, nagi-enjoy pa rin si Korina Sanchez sa blow out sa kanya ni Mar Roxas sa kanilang bakasyon sa US matapos itong mag-no. 1 sa senate race. Kasi pala ito ang promise ni Mar bago mag-election sa kanyang lady love.

Anyway, nagpa-plano na rin daw magpakasal ang dalawa ayon sa source ng Baby Talk.

Kuwento pa ng isang malapit kay Korina, kilig na kilig daw ito pag pinadadalhan ng flowers ni Senator Mar. Minsan daw kasi pagdating niya sa booth ng kanyang radio show, may nakalagay ng bunch of roses with matching I love you sa dedication. "Kaya nga ‘yung ibang nagsasabi na si Korina lang ang in-love, hindi totoo ‘yun. In love na in love din si Mar no," the source said.
* * *
Mahilig ba kayo sa donut? Ngayong araw libre ang donuts sa lahat ng Dunkin Donuts outlet para sa kanilang National Dunkin Day, isang pasasalamat ng Dunkin Donuts sa lahat ng kanilang consumers.

Actually, ito lang ang magsisilbing highlight ng mga previous promos nila.

All of its outlets nationwide ay magkakaroon ng activities para sa mga bata. Magsisimula ang day long affair sa pamamagitan ng motorcade sa Edsa sa umaga na susundan ng highlight activity sa ganap na alas-3:00 ng hapon. Inaasahang dadagsa ang mga bata sa mga Dunkin Donuts stores na halos 500 na pala ang outlet nationwide - para sa libreng donuts to children under 12 years old. Ito ay signal ng special countdown na susundan ng panibagong highlight pagdating ng 4:00 p.m.

Kasama sa mga activities sa iba’t ibang outlets ang bubble show, face painting, clown/magic show, a Munchkins on a Stick design contest, balloon making demo, face painting, a children’s band performance and a mascot appearance.

Kaya go na kayo today sa mga Dunkin Donuts na malapit sa inyo, minsan lang ito sa isang taon.

Anyway, isa sa mga bagong bukas na outlet nila ay ang sa SM City Dasmariñas last May 21.

Bago ang nasabing opening kung saan si Joey de Leon ang nag-cut ng ribbon, lahat ng dumaan sa nasabing bagong bukas na outlet ay nakatikim ng sample nilang donut. Si Joey ay isa sa mga endorser nila. Si Joey rin ang kumanta sa special CD ng Dunkin na ipinamigay last Christmas.

By the way, may pahabol ang isa kong friend na hindi lang daw donut ang masarap do’n kundi ang brewed coffee.
* * *
Obviously, maraming naghihintay sa ending ng Sana’y Wala Nang Wakas nina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Diether Ocampo and Angelika dela Cruz. As in meron pa silang campaign sa e-mail kung sino nga ba ang puwedeng magkatuluyan sa ending.

Mukhang naka-jackpot nga sa show na ito ang ABS-CBN. Kaya ngayon daw, naguguluhan din ang staff ng show kung paano nila tatapusin. Baka raw maraming magalit pag sina Christian at Ara ang magkatuluyan.

Siguro, mas mabuting maghintay na lang tayo kung paano iso-solve ng writer ang kuwento ng Sana’y Wala Nang Wakas dahil wala silang choice, kailangan talaga nilang magwakas.

Show comments