Inaasahan namin na rarampa sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad at Rafael Rosell bilang image models ng Pink and Bluesoda kasama ang ibang mga modelo pero hindi namin sila namataan doon. Pero may ilang celebrities kaming nakita sa audience tulad nina Ciara Sotto, Iza Calzado, RJ Ledesma at iba pa.
"Although wala kaming gaanong eksena ni Piolo sa Milan, masaya na rin ako dahil nakasama ko siya sa movie. Sana magkasama kaming muli sa movie na ako ang kanyang kapareha," asam ng magandang dalaga ni Lito Calzado.
Bukod kay Piolo, gusto rin niyang makatrabaho sina Jericho Rosales, Aga Muhlach, Richard Gomez, John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes.
Dahil inagaw ng showbiz si Iza, pansamantala siyang tumigil ng kanyang pag-aaral ng Fine Arts sa UST kung saan ay nasa 3rd year irregular siya.
Aminado si Iza sa malaking break sa kanya nang siyay mapasama sa teleseryeng Kung Mawawala Ka kung saan niya unang nakatrabaho ang premyadong director na si Joel Lamangan. Second time bale niyang nakatrabaho si Direk Joel sa Sabel na pinangungunahan ni Judy Ann Santos at siyang official entry ng Regal Films sa nalalapit na Manila Film Festival.
"Isang malaking karangalan para sa akin ang makatrabaho si Direk Joel Lamangan both sa TV at pelikula," pahayag ni Iza.
Break na si Iza sa kanyang non-showbiz boyfriend na apat na taon at walong buwan niyang naging kasintahan.
"Second boyfriend ko siya pero siya ang kauna-unahang true love ko," pagtatapat pa ni Iza.
Although may pinirmahang four-picture contract si Iza sa Viva Films, pinapayagan naman siyang gumawa sa ibang movie outfit tulad ng Star Cinema at Regal Films dahil wala pa naman silang (Viva) bagong assignment para sa kanya pagkatapos niyang gawin ang Annie Batungbakal.
Kumusta na sila ng kanyang leading man sa Te Amo na si Segundo Cernadas?
"Matagal na kaming hindi nagkikita pero nagpapalitan kami ng e-mail hanggang ngayon. Ang alam ko, babalik siya rito," pag-amin pa ni Iza na unang nakilala sa pamamagitan ng isang shampoo commercial.
Nininerbiyos at the same time excited si Rainier sa kanyang unang attempt na magkaroon ng album kung saan ang hitmaker na si Lito Camo ang may akda ng kanyang mga awitin sa nasabing album.
Desidido ang Universal Records na maging isang recording star si Rainier na isa ngayon sa pinakamainit among the young crop of talents matapos itong mapabilang sa final four ng StarStruck talent search.
Inspired ngayon ang bagong senador hindi lamang dahil siya ang nanguna sa 12 bagong halal na senador kundi dahil sa kanyang lady love na si Korina Sanchez.
Marami ang umaasa na sanay silang dalawa na ang magkatuluyan lalo pat 50 na si Mar and in her early 40s naman si Korina.