Uso pa rin kay Nika Madrid ang bold movies
June 19, 2004 | 12:00am
Marami ang nagsasabi na on the way out na raw ang bold movies pero, naniniwala si Nika Madrid na isang mahilab na hubarang pelikula lamang ang kinakailangan at muli ito aakyat sa kalawakan.
Sino ba si Nika Madrid at ano ang alam niya sa pelikula, partikular na ang mga pelikulang hubaran o bold movies?
Si Nika ay nagsimula bilang isang bold star sa pangalang Anne Borromeo. Tatlo na ang nagagawa niyang pelikula sa kulang sa dalawang taon na pagiging isang bold star. Dalawa rito ang napanood na, ang Sex Scandal at Mapupulang Labi. Ang ikatlo na pinamagatang Kainan Sa Highway ay nakatakdang mapanood sa Hulyo 7. Suporta lamang siya rito ni Maye Tongco. Love interest nila rito sina Mark Dionisio at Ryan Muñoz. Sa kabila nito, hindi napigil si Nika na gumawa ng mga paghuhubad at makipag-love scene kay Mark. "Para hindi naman ako masapawan ni Maye," sabi ni Nika. At ang lovescenes nila ni Mark na pareho silang hubot hubad. "Hindi na kami gumamit pa ng plaster dahil istorbo," ani Nika na nakausap ko sa kanyang pictorial para sa FHM.
Sinabi ni Nika na pinalitan ng kanyang movie producer ang kanyang pangalan dahil wholesome daw ang pangalang Anne at hindi bagay sa imahe na kanyang pino-project bilang isang bold star.
May inihahanda nang launching movie para kay Nika. May pamagat itong Hamog sa Bukang Liwayway. Isa pa ring sexy star ang makakasama niya rito, si Via Veloso at sina John Apacible at Dante Balboa.
Sayang at di nakaabot ang Liberated 2 ng Seiko Films sa Manila Film Festival. Sigurado ko, isa na naman itong kapuri-puring pelikula. Katulad din ng orihinal na Liberated movie na nagtampok din kina Diana Zubiri at Francine Prieto.
Hindi sequel o part 2 ang Liberated 2. Katunayan, iba ang kwento nito at mga characters sa naunang pelikula. Tanging ang cast, director at sa temang sexual liberation lamang ito nagkakapareho. Kasama nina Diana at Francine sa pelikula sina Christian Vazquez, Rodel Velayo at Tuesday Vargas.
Best friends sina Diana at Francine. Parehong galing sa broken families kaya maluwag ang mga moral values. Mas nauna pa nilang matutunan ang sex kesa love. Kaya kakaiba ang trip nila.
Makikipagkilala sila sa isang lalaki hanggang umabot sila sa pakikipag-sex. Pareho nilang susubukan sa romansa ang lalaki at pagkatapos pag-uusapan nila ito. May rules din sila na dapat sundin: Bawal ang nag-uulit, walang maglilihim, di pwede ang kapwa babae at bawal ma-in love!
Sa di inaasahang pagkakataon, mabibihag sila ng isa nilang biktima (Vasquez) na di rin marunong magmahal gaya nila. Kung paano at bakit mag-iiba ang pananaw nila sa buhay ang siyang buod ng Liberated 2.
Showbiz Parlor On The Air? Kung dati ay sa mga parlors lang kayo nakakarinig ng mga balita tungkol sa showbiz at maging sa labas nito, ngayon meron na rin sa TV nito, sa programang EK! Channel, ang nag-iisang stylized showbiz-game-talk-reality-makeover- comedy, wish-granting hybrid show. Hosts ng programa sina Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Dominic Ochoa at Rica Peralejo. Pagtutuunan nila ng pansin ang mga taong nangangailangan ng pagbabago sa kanilang buhay, for the better. Marami pa ring ibang segments. Gaya ng pagbabago ng ilang mga celebrities sa pamamagitan ng make-up. Gusto nyo bang malaman kung sino ang susunod na showbiz reporter ng ABS CBN? Kaya mo bang gawin ang isang challenge dahil di magawa ng ka-partner mo? Ilan lamang ito sa mga kapana-panabik na mga bahagi ng programa, kasama na ang isang text game na pwedeng sumali ang mga homeviewer.
O di ba, sa halip na pumunta kayo ng parlor, dito na lang kayo sa EK! Channel.
Sino ba si Nika Madrid at ano ang alam niya sa pelikula, partikular na ang mga pelikulang hubaran o bold movies?
Si Nika ay nagsimula bilang isang bold star sa pangalang Anne Borromeo. Tatlo na ang nagagawa niyang pelikula sa kulang sa dalawang taon na pagiging isang bold star. Dalawa rito ang napanood na, ang Sex Scandal at Mapupulang Labi. Ang ikatlo na pinamagatang Kainan Sa Highway ay nakatakdang mapanood sa Hulyo 7. Suporta lamang siya rito ni Maye Tongco. Love interest nila rito sina Mark Dionisio at Ryan Muñoz. Sa kabila nito, hindi napigil si Nika na gumawa ng mga paghuhubad at makipag-love scene kay Mark. "Para hindi naman ako masapawan ni Maye," sabi ni Nika. At ang lovescenes nila ni Mark na pareho silang hubot hubad. "Hindi na kami gumamit pa ng plaster dahil istorbo," ani Nika na nakausap ko sa kanyang pictorial para sa FHM.
Sinabi ni Nika na pinalitan ng kanyang movie producer ang kanyang pangalan dahil wholesome daw ang pangalang Anne at hindi bagay sa imahe na kanyang pino-project bilang isang bold star.
May inihahanda nang launching movie para kay Nika. May pamagat itong Hamog sa Bukang Liwayway. Isa pa ring sexy star ang makakasama niya rito, si Via Veloso at sina John Apacible at Dante Balboa.
Hindi sequel o part 2 ang Liberated 2. Katunayan, iba ang kwento nito at mga characters sa naunang pelikula. Tanging ang cast, director at sa temang sexual liberation lamang ito nagkakapareho. Kasama nina Diana at Francine sa pelikula sina Christian Vazquez, Rodel Velayo at Tuesday Vargas.
Best friends sina Diana at Francine. Parehong galing sa broken families kaya maluwag ang mga moral values. Mas nauna pa nilang matutunan ang sex kesa love. Kaya kakaiba ang trip nila.
Makikipagkilala sila sa isang lalaki hanggang umabot sila sa pakikipag-sex. Pareho nilang susubukan sa romansa ang lalaki at pagkatapos pag-uusapan nila ito. May rules din sila na dapat sundin: Bawal ang nag-uulit, walang maglilihim, di pwede ang kapwa babae at bawal ma-in love!
Sa di inaasahang pagkakataon, mabibihag sila ng isa nilang biktima (Vasquez) na di rin marunong magmahal gaya nila. Kung paano at bakit mag-iiba ang pananaw nila sa buhay ang siyang buod ng Liberated 2.
O di ba, sa halip na pumunta kayo ng parlor, dito na lang kayo sa EK! Channel.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended