Tatapusin lamang ni Robin ang kanyang tumatakbong teleserye sa ABS-CBN, ang Bastat Kasama Kita na pinagtatambalan nila ni Judy Ann Santos at pagkatapos nito ay fly na siya sa Australia para bumawi sa kanyang pamilya na matagal na nawala sa kanya.
"Alam kong hindi madali ang naging desisyon ko dahil pansamantala kong tatalikuran ang aking trabaho rito. Pero kinakailangan ko naman itong gawin para sa pamilya ko. Marami na akong atraso sa pamilya ko lalo na sa mga anak ko na lumalaki ng malayo ako. Maswerte na ang dalawang beses sa isang taon na pagdalaw ko sa kanila pero ang pinakamatagal ay dalawang linggo lamang. Kung kailan nagi-enjoy na kami sa isat isa ay saka ko naman sila iiwan para bumalik dito dahil sa trabaho," malungkot niyang pahayag sa final presscon ng Kulimlim.
Sa pamamalagi ni Robin sa Australia ay balak niyang mag-aral doon para naman hindi siya maging alangan sa kanyang mga anak na lahat English-speaking.
Pero bago tumulak patungong Australia si Binoe (Robin), masaya siya dahil nakagawa siya ng isang pelikula tulad ng Kulimlim na kaya niyang ipagmalaki hindi lamang dahil itoy kalahok sa Manila Film Festival kundi dahil napakaganda ng proyekto na dinirek ng nirerespeto niyang director, si Direk Maryo J. delos Reyes na first time niya nakatrabaho.
"Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko sa pelikulang ito sa tulong na rin ni Direk Maryo J.," pagmamalaki pa ni Robin.
Ini-expect ba niyang makapag-uwi ng Best Actor trophy sa gabi ng parangal ng MFF?
"Kahit naman sinong aktor ay nangangarap na makapag-uwi ng tropeo pero ayokong mag-expect. Basta ang masasabi ko lamang, ginawa ko ang magagawa ko para mabigyan ng hustisya ang role ko sa pelikulang ito," pahayag pa ng actor.
Parehong sweet ang image nina Juday at Tanya pero sa kauna-unahang pagkakataon ay pareho silang bumigay sa rape scene dahil itoy hinihingi ng istorya. Isa rin itong indikasyon na pareho nang handa ang dalawa sa mas mature at mas daring na papel na lalong magpapakita sa kanilang galing sa pag-arte.
Kung datiy pang-dekorasyon lang halos si Tanya sa mga pelikulang kanyang sinasalihan, dito sa Kulimlim ay ibang Tanya Garcia ang bubulaga sa mga manonood na naging malaking hamon sa kanya lalo pat iniintriga siya noon na hindi umano siya marunong umarte.
Kumustang katrabaho si Binoe?
"Ngayon ko nauunawaan kung bakit nai-inlove sa kanya ang kanyang mga nakakapareha dahil super maasikaso talaga siya. Kahit hindi siya kailangan sa set, nandun siya para sumuporta," pag-amin pa ni Tanya.
Slot ng Sharon ang inokupahan ng Rated K ni Korina kaya direkta sila ngayon na magkalaban ni Mel Tiangco ng Partners.
Ke intentional o hindi, may suspetsa ang marami na sina Korina at Mel talaga ang pinagsasabong sa ere. Magkatapat ang kanilang daily news program na TV Patrol at 24 Oras at magkatapat din sila ngayon sa kanilang once-a-week respective programs.
Kung ang dating magkapamilya ay magkatunggali ngayon sa telebisyon, natitiyak namin na hindi silang dalawa (Mel at Korina) ang may kagustuhan nito kundi ang respective management ng network na kanilang pinaglilingkuran.