Poor copy of a pirated show
June 17, 2004 | 12:00am
Pinatunayan ng Marina na ito pa rin ang nagungunang programa sa telebisyon. Ito ay sa kabila ng ginawang pangungopya ng GMA 7 sa programa at gumawa ng kanilang sariling version. Noong Lunes, sa pagtatapat ng Marina at Marinara, nilampaso kaagad ng Marina ang Marinara 42.7% versus 27%.
Nag-pilot telecast ang sinasabing panapat ng GMA 7 sa Marina. But sad to say, failure sila dahil hindi nila nagawang itumba ang Marina. Inunahan kasi ng yabang ng GMA 7. Kahit nga ang ilang kakilala kong na-curious sa programa ay disappointed sa ilang eksenang nakita niya sa Marinara. Sa title pa lang, kinopya na. Kahit pa sabihing spoof version ito. Yung concept pa lang, mahirap itangging hindi nila kinopya.
Sa rating ng Marinara na 27%, masyado itong mababa lalo pat pilot telecast noong Lunes. Ito ay sa kabila ng ginawa ng GMA 7 na promo ng kanilang bagong show. Ang nasabing rating ay halos pareho lang ng isang existing drama show ng GMA 7. Kung patuloy na lalaban ang Marinara sa Marina, kailangan pa nilang i-improve ang kanilang production. Dahil kung hindi, bung-buo silang lalamunin ng Marina.
Nagalit siguro ang tao. Ayaw nilang tangkilikin ang produkto na kinopya. Kumbaga sa DVD o VCD, ang Marinara ay pirated. And a very proof copy at that, huh!
First and only choice ng Maalaala Mo Kaya si Vhong Navarro na gumanap sa buhay ni Rene Hepolito o mas kilala bilang Palito. Nang mapasakamay ng MMK ang rights sa lifestory ni Palito, agad na sinimulan ang production at si Vhong nga ang napisil na gumanap sa role.
Inspiring ang kwento ng buhay ni Palito. Mabait na anak. At nang magkaroon ng sariling pamilya, ginawa rin niya ang klase ng pagpapalaki sa kanila ng ama sa kanyang anak.
Ngayon, halos madalang ang trabaho ni Palito. Wala itong regular show. Isipin mo nga kung saan kumukuha si Palito ng ikinabubuhay. Pero hindi kayo maniniwala na kahit hirap na hirap sa buhay ngayon, masaya pa rin si Palito. Hahangaan mo ang buhay ng kasimplehan ng buhay ni Palito. At kung paanong sa kabila ng pinagdadaanang hirap ay nagagawa pa rin niyang matuwa.
Bukod kay Vhong, kasama rin sa cast ng Ang Kwento ni Palito sina Melissa Mendez, Ronnie Lazaro, Tin Arnaldo at Jet Paz. Mula sa script ni Gilbeys Sardea at dinirek ni Mae Czarina Cruz.
Noong Lunes, tinest ko si Karen Davila para batiin sa isang napakagandang episode ng The Correspondents. Tungkol ito sa gay parenting. Ibat ibang kwento ng gay parents. Research pa lang, hahanga ka na sa episode. Nailahad ang kwento ng isang gay father, lesbian couple at anak ng isang gay father.
Bato ka kapag hindi tinamaan sa nasabing feature. Naluha ako nang ikuwento ng isang bata na dahil sa lesbian ang kanyang parents, hiniwalayan siya nito. Kahit yung sinasabing bata kapag may dumarating na bisita sa bahay, nagtatago ang lesbian father niya dahil sa hiya.
Hindi rin naging madali kay Tristan Encarnacion ang matanggap ng mga kaibigan na gay ang kanyang yumao ng tatay na si Jun Encarnacion. Katakut-takot na humiliation ang pinagdaanan ni Tristan.
Indeed, it was of The Correspondents best episode. Punumpuno ng puso. Sana nga ay patuloy pang gumawa ang The Correspondents o kahit anong programa sa telebisyon ng feature about gay parenting at who knows, maging simula ito ng acceptance ng tao sa mga gay and lesbian parents.
Sabi ni Karen sa reply niya sa text message ko, "I have always wanted to do a story on a gay that is not sexually-oriented. Natuwa naman ako at marami ang naka-appreciate."
Congratulations Karen at sa mga bumubuo ng The Correspondents.
Nag-pilot telecast ang sinasabing panapat ng GMA 7 sa Marina. But sad to say, failure sila dahil hindi nila nagawang itumba ang Marina. Inunahan kasi ng yabang ng GMA 7. Kahit nga ang ilang kakilala kong na-curious sa programa ay disappointed sa ilang eksenang nakita niya sa Marinara. Sa title pa lang, kinopya na. Kahit pa sabihing spoof version ito. Yung concept pa lang, mahirap itangging hindi nila kinopya.
Sa rating ng Marinara na 27%, masyado itong mababa lalo pat pilot telecast noong Lunes. Ito ay sa kabila ng ginawa ng GMA 7 na promo ng kanilang bagong show. Ang nasabing rating ay halos pareho lang ng isang existing drama show ng GMA 7. Kung patuloy na lalaban ang Marinara sa Marina, kailangan pa nilang i-improve ang kanilang production. Dahil kung hindi, bung-buo silang lalamunin ng Marina.
Nagalit siguro ang tao. Ayaw nilang tangkilikin ang produkto na kinopya. Kumbaga sa DVD o VCD, ang Marinara ay pirated. And a very proof copy at that, huh!
Inspiring ang kwento ng buhay ni Palito. Mabait na anak. At nang magkaroon ng sariling pamilya, ginawa rin niya ang klase ng pagpapalaki sa kanila ng ama sa kanyang anak.
Ngayon, halos madalang ang trabaho ni Palito. Wala itong regular show. Isipin mo nga kung saan kumukuha si Palito ng ikinabubuhay. Pero hindi kayo maniniwala na kahit hirap na hirap sa buhay ngayon, masaya pa rin si Palito. Hahangaan mo ang buhay ng kasimplehan ng buhay ni Palito. At kung paanong sa kabila ng pinagdadaanang hirap ay nagagawa pa rin niyang matuwa.
Bukod kay Vhong, kasama rin sa cast ng Ang Kwento ni Palito sina Melissa Mendez, Ronnie Lazaro, Tin Arnaldo at Jet Paz. Mula sa script ni Gilbeys Sardea at dinirek ni Mae Czarina Cruz.
Bato ka kapag hindi tinamaan sa nasabing feature. Naluha ako nang ikuwento ng isang bata na dahil sa lesbian ang kanyang parents, hiniwalayan siya nito. Kahit yung sinasabing bata kapag may dumarating na bisita sa bahay, nagtatago ang lesbian father niya dahil sa hiya.
Hindi rin naging madali kay Tristan Encarnacion ang matanggap ng mga kaibigan na gay ang kanyang yumao ng tatay na si Jun Encarnacion. Katakut-takot na humiliation ang pinagdaanan ni Tristan.
Indeed, it was of The Correspondents best episode. Punumpuno ng puso. Sana nga ay patuloy pang gumawa ang The Correspondents o kahit anong programa sa telebisyon ng feature about gay parenting at who knows, maging simula ito ng acceptance ng tao sa mga gay and lesbian parents.
Sabi ni Karen sa reply niya sa text message ko, "I have always wanted to do a story on a gay that is not sexually-oriented. Natuwa naman ako at marami ang naka-appreciate."
Congratulations Karen at sa mga bumubuo ng The Correspondents.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended