Ayon kay Mystica, hindi siya tanga para ipamigay na lamang ang ganoon kalaking pera sa walang kakwenta-kwentang bagay.
"Ay naku! Hindi naman ako tanga noh? Ano ako bale? Mapupunta lang sa ibang tao ang perang pinagpaguran kong kitain sa kung saan-saang raket," ang mataray na pahayag ng rock diva.
Ngunit nilinaw ni Mystica na nagdesisyon siyang lumipat upang maiwasan na lamang ang anumang gulong maari pang mangyari kung sakaling magtatagal pa sila sa naturang bahay na kadikit ng bahay ni Aiai. Itoy dahil sigurado anya siyang magiging masalimuot pa rin ang kanilang pagiging magkapitbahay lalot hindi sila nagkakaintindihan noong mag-usap sila sa korte.
Sa ngayon ay up-for-sale ang bahay ni Mystica sa Susana Heights Quezon City sa halagang P10M, mas mababa ng P5 milyon sa bahay ni Aiai na gustong ibenta nito, ngunit biglang nagdesisyon na huwag nang ipagbili.
Nagpakumbaba na rin si Mystica nang kausapin nito si Aiai, ngunit naging matigas umano ang komedyante.
Salamat, kinumpirma rin ni Tikay na ibabasura ng korte ang libel case na isinampa sa kanya ni Aiai due to lack of merit. (T.Villamor)