Unang pagkabasa lamang niya ng script nito ay alam na agad niya na hindi niya kakayanin ang demands ng pelikula. Nang sabihin ito sa kanya ni Boss Vic del Rosario ay hindi pa si Direk Maryo J. delos Reyes ang direktor nito.
Nang huling i-offer sa kanya ito, tinanggap niya ito ng may agam-agam dahil napag-alaman niya na naninigaw si Direk Maryo ng artista.
"Pero, matagal na akong nagdarasal na mabigyan ng ganitong klase ng pelikula, yung tipo na bagay sa edad ko. At kahit kinakabahan, mas nanaig ang respeto ko kay Direk Maryo. Aba, lumalaban yan ng pagalingan hindi lamang sa mga kapwa niya Pilipino kundi maging sa mga dayuhan.
"Yung pelikula niyang Magnifico, ang dami nang napanalunan na awards. Pati yung batang si Jiro Manio, naging best actor," may paghangang nasambit ni Binoe.
"Mami-miss ko ang paggawa ng Kulimlim. Para kasi kaming magkakapatid sa set. Ang saya-saya naming lahat.
"Hindi ko malilimutan si Tanya dahil tsampyon siyang makisama. Koboy din. Nung sino-shoot namin ang pelikula, lalo na yung rape scene namin ay lubha akong nadala sa eksena kaya mga 200 pasa yata ang inabot niya. Minsan nga nasuntok ko pa siya, talagang tinamaan siya dahil di ko na-control yong kamao ko. Gumanti naman siya dahil nang sipain nya ako, nabali naman ang ngipin ko," nakatawang pagbabalik-alaala ni Robin ng panahon na ginagawa nila ang Kulimlim.
Inamin naman ni Tanya na ngayon ay alam na niya kung bakit nagugustuhan si Robin ng mga nakaka-pareha niya.
"Kung wala ako sa tamang pag-iisip, mai-in love din ako sa kanya. Pero, alam naman nating lahat na may asawat mga anak siya. Bukod sa chance na makapareha siya, nagpapasalamat ako na nakasama ako sa pelikulang ito. Marami talaga akong natutunan," anito.
Ang daming artista (Roselle, Katya, Belinda, Von, Cody, Jordan, Jay, Greg, Avenger Alvin, Gladys & Christopher, Sexbomb singers & dancers, Gee Girls, Go Girls, talent managers Wowie Roxas and Joy Cancio, promoters Baby Pacheco & Joed Serrano at napakaraming entertainment media practitioners.
Isang space designers si G. Kawanishi, nagmemeari rin ng mga clubs sa Japan na 65% ay mga Pinoy. Bilib ang Hapon sa mga Pinoy na performers.
Nakapag-perform na sa mga club niya sina Dingdong at Jessa, Aiza Seguerra, Andrew E., Maui, Katya, Belinda, Gladys at Christopher.
Nung unang pumunta ng bansa ang Hapones, balak sana niyang magtatag ng isang foundation para sa mga abandoned children na anak ng mga Hapones pero may mga nauna na sa kanya kaya hindi na niya ito ipinagpatuloy. Lumibot din siya ng bansa kasama ng isang grupo na nagdaraos ng friendly bowling tournaments.
Ang Webstar Phils. Ent. ay naglalayong dumiskubre at magsanay ng mga talino sa pamamagitan ng modeling arm nito, ang Webstar Production Agency with Wilfredo "Wheyee" Lozada, katulong ni Kawanishi na nagtatag ng Webstar Phils. Ent., bilang pangulo at si entertainment writer/editor Arlo Custodio as vice president. Mayron din itong photo & video studio company ma pinamumunuan ni Richard Sambajon.
Ito ang layunin ng Tapatan, Inc. ang kumpanya na nangangasiwa sa UNTV.
Ayon sa pinuno ng Tapatan,. Inc. na si Jay Sonza, layon ng UNTV na makapag-handog ng dekalidad na pagpoprograma.
Simula nung Hunyo 14, mapapanood na sa Channel 37, ang mga batikang broadcaster na si Cito Beltran sa kanyang Straight From The Shoulder, ang traffic girl na si Aida Gonzales sa kanyang travelogue na Trip Ko To, ang peryodistang pampelikula na si Boy Villasanta sa kanyang mga sariwa at makakatas na balitang showbiz sa Barangay Showbiz, ang matapang na mamamahayag na si Ben Tulfo sa Bitag, ang pastor na si Eli Soriano sa Ang Dating Daan at marami pang iba. Ibinabalik din ni Sonza ang kanyang makabuluhang Tapatan.
Nagkaroon ng makulay na pasinaya nung June 7 sa Grasis sa Rockwell ang UNTV Channel 37.