Naluha si Jennylyn sa launching ng kanyang album dahil sa sobrang pasasalamat niya sa GMA Records sa pagbibigay katuparan sa kanyang pangarap na maging singer.
"Sobrang thankful and blessed po ako sa pagtitiwala sa akin ng GMA Records na gawan ako ng album. Ito po ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Ito po yung inaasahan ko," pasimula ni Jennylyn.
Buong pagmamalaki naman ng managing director ng GMA Records, Buddy Medina ang pagkakapili nila kay Jennylyn bilang second artists nila after Jolina Magdangal. "I believe in her. And I think she can grow as a singer," paliwanag nito.
Patuloy pa rin daw ang pagtahak ni Jennylyn sa theme ng StarStruck na "Dream. Believe. Survive."
"Opo dahil simula naman ito ng panibagong chapter ng buhay ko. Magtagal sana ako as a singer. Mag-hit sana ang album ko. And hopefully magkaroon din ako ng concert. Kaya ibibigay ko po ang best ko," sabi ni Jennylyn
At kung meron man siyang gustong sundan na sikat na singer, ito ay walang iba kundi ang songbird na si Regine Velasquez.
"Siya po talaga ang idol ko. Sana po maging magaling din akong performer tulad niya. At marating ko rin po ang mga achievements niya balang-araw," asam ng bagong singer.
Ang "Living the Dream" album ay naglalaman ng 10 tracks na ang carrier single ay "Kahit Sandali," (na most requested ngayon sa radio) "Tamang In Love," "Living the Dream," "Astig Ang Boyfriend Ko," "Pump It Up," "Sapat Na Ang Minsan," "The Power of the Dream," "StarStruck (Final Judgement)" at ang sarili niyang version ng "If Im Not in Love" ka-duet si Janno Gibbs.
Kaya naman walang hindi humanga sa pagpapakitang gilas nina Nyoy at Mannos sa Music Lounge ng Manila Pavillion kamakailan. Nagbigay sila ng mga sample na gagawin nila sa kanilang major concert na Straight Up sa June 26 sa Folk Arts Theater. Sample palang yon pero, nag-iinit na ang upuan ng mga manonood na talagang nag-enjoy sa panonood sa kanilang pagtugtog. Bawat number nila ay talagang pinapalakpakan. Hindi na ko nagtaka nang saluduhan ang grupo ng ilang kabataang lalaki na nanood sa nasabing venue pagkatapos nilang tumugtog.
Pangako ni Nyoy na mas marami pa silang nakahandang mas magagandang kanta mula top 40 hits at revival na tinawag nilang "pop-coustic" at kasama rin sa kanilang repertoire ang mga hit songs ng grupo. Ang Mannos ay binubuo nina Cocoy Aranas (bass guitarist), Glenn Dalit (K-hon player), Jerome Nuñez (violinist) at Maynard Albis (bongo drummer).
Ang tikets para sa Straight Up ay mabibili sa lahat ng Ticketworld outlets, National Bookstore branches, Robinsons Department Store, Tower Records, Music Museum, Ayala Center o tumawag sa 891-9999 para sa iba pang inquiries.