Tanya,pumayag mahalikan at madilaan ng mga rapsit niya

Natatawa na lamang si Tanya Garcia kapag naaalala kung paano siya trinato na parang isang babasaging kristal ng kanyang mga kasamahang artista sa pelikulang Kulimlim, lahok ng Viva Films sa Manila Film Festival na magsisimula sa Hunyo 23.

Mayro’n kasi siyang rape scenes sa pelikula hindi lamang sa kapareha niyang si Robin Padilla kundi maging kina Ryan Eigenmann, Mark Gil at Jhong Hilario. Bago kinunan ang mga eksena ng rape ay inalam muna ni Ryan sa kanya kung papayag siyang mahalikan sa bibig at madilaan ang kanyang mukha.

"Nakakatawa, dahil okay naman ako sa kung ano ang hinihingi ng istorya. Pero, dahil alanganin sila na baka masaktan ako kung kaya hindi nila naibigay ang talagang hinihinging emosyon at pag-arte, ipinaulit ito ni Direk Maryo J, sinabi sa kanila na napaka-gentle nila sa naturang eksena. Hininging maging brusko sila at malupit. Ipinapanood pa sa kanila ang rape scene namin ni Robin. Ganun daw dapat ang maging pisikal na emosyon at eksena.

"Ganito rin naman humigit kumulang ang naging apprehension ni Robin. Kaya kinausap muna niya ako at ipinaliwanag ang eksena. Actually nang kunan ang eksena ay medyo natakot ako dahil parang sinasaniban na siya. Iba na ang expression niya at ang mata niya.

"Di ko kinaya yung eksena dahil napaka-lakas ni Robin. Hirap na hirap ako sa kanya kaya nagkapasa-pasa ang katawan ko," kwento ni Tanya.

Sa kabila ng mahirap ang naging mga eksena, walang lumabas na ano mang bahagi ng katawan ni Tanya. "Legs lamang, wala ng iba. Actually, ito naman ang naging paliwanag sa akin bago kunan ang eksena, na walang makikita sa akin," dagdag pa ng magandang aktres na sa kabila ng mga hindi magandang naririnig ni Direk Maryo na malaki ang kakulangan nito sa pag-arte ay sinorpresa siya sa magandang performance nito. Nangako na ibang-ibang Tanya ang makikita ng mga manonood.
*****
May bagong album ang Viva Hot Babes. Ito ang "Kikay" na titulo rin ng carrier single ng album. Isang komposisyon ni Christian Marquez tungkol sa mga makabagong babae na sexy at daring. Tulad ng Hot Babes.

Syempre, hindi mawawalan ng ambag si Lito Camo sa album, lalo’t siya ang producer ng album. Kinatha niya ang "Coca Cola Body". Kung inyong matatandaan, si Lito rin ang gumawa ng "Bulaklak".

Nakatakdang magikot ang Viva Hot Babes sa mga malls para i-promote ang album. Nasa Ever Gotesco Grand Central sila sa Hunyo 20, Ever Gotesco Commonwealth, June 25; Metropolis Alabang, June 26, Ever Gotesco Ortigas July 3 at Sta Lucia East Mall, July 10.

Dapat abangan ang "Kikay" party at grand fans day na magaganap sa July 4, 4:00 NH sa Araneta Center, Cubao. Ang mga unang bibili ng "Kikay" album ay bibigyan ng libreng tiket para rito.

Maaari rin kayong mag-down load ng mga ringtones at sexy pictures ng Hot Babes. Just text Kikay at i-send sa 234 (open to Smart subscribers).
*****
Ang healing priest na si Rev. Father Joey Faller ng Quezon na nakapag-pagaling na ng mga may karamdaman dito sa bansa at maging sa labas nito ay magdiriwang ng kanyang ika-40 taong kaarawan sa pamamagitan ng isang healing concert sa Hunyo 20, Linggo sa Queen Margaret Hotel sa Lucena City.

Pinamagatang Ang Kamay na Ito Ay Para Sa Inyo, itatampok dito sina Christopher de Leon, Aiza Seguerra, Giselle Sanchez, Rez Cortez, Adrian Panganiban at ang concert pianist na si Dr. Horacio Nuguid na magbibigay ng mga musical numbers na magpapakita ng mga circumstances and stages sa buhay ni Fr. Joey.

Ang konsyerto ay ididirek ni Beverly Vergel ng ABS CBN Center for Communications Arts. Ang kikitain sa show ay ipagkakaloob sa Kamay ni Hesus Healing Foundation para sa pagpapatapos ng pagpapatayo ng Healing Center sa Bgy. Tinamnan, Lucban, Quezon.

Para sa karagdagang impormasyon at ticket information, tumawag sa (042) 5403085 at (0917) 8536267.

Show comments