Edad na apat na taon nang magsimula siyang kumanta. Sa murang edad ay kasa-kasama na itong kumakanta sa banda ng kanyang ama na karaniwang nagi-entertain pag nagkakaroon ng okasyon sa kanilang pamilya at kaibigan. Sa kanyang pagpi-perform ay na-discover siya ni Mr. Alfred Yumul na siyang tumatayong manager niya ngayon. At the age of five, sa una niyang pagtatanghal ay naging special guest siya kasama si Christopher de Leon sa Glendale, CA. Pagkatapos ay mas marami pang artists ang nakasama niya sa show tulad nina Gabby Concepcion, Sunshine Cruz, Banig, Joey Albert, Florante, Victor Wood, Rey Valera, Aiko Melendez at Raymond Lauchengco.
Sa loob ng walong taon, marami na ring awards na nakamit si Berna hindi lang sa kanyang pag-awit kundi maging sa kanyang acting talent. Kinilala siyang Best Child Entertainer of the Year noong taong 1996 sa kanyang sariling rendition ng Tina Turners Proud Mary; Best Child Vocal Artist of the Year 2000 by Celebrity Awards para sa kanyang first debut concert sa Otani Hotel at marami pang iba.
Ang unang CD ni Berna ay "Turn the Beat" na ni-release sa US nung May 2003. Ngayon ay pumirma siya ng kontrata kay Vehnee Saturno at sa iba pang magagaling na composer para gawan siya ng kanta na iri-release sa bansa.
In any case, ang concert ni Berna na pinamagatang "A Voice Within" na gaganapin sa Ynares Sports Center, Antipolo City sa June 26. Ang proceeds ng concert ay mapupunta sa pagpapagawa ng The Transfiguration Christ Parish, Antipolo City. Makakasama ni Berna sa show sina Ogie Alcasid, ang kanyang fellow Fil-Am star and good friend JayR at Dion Ignacio. Ang ticket ay available sa lahat ng SM ticknet outlets at Araneta Coliseum Box Office o tumawag sa 697-0342.