Marami ang nagsasabi na mukhang makakasungkit na ng acting award ngayon si Robin. Mahusay daw kasi ang pagkakalarawan nito sa apat na role na kanyang ginagampanan. Ganun na lamang ang pasasalamat ng aktor kay Direk Maryo delos Reyes sa mabusisi at mahusay na paggabay nito sa mga komplikado niyang role sa nasabing pelikula. Ayon pa rin sa aktor ay sumaludo siya sa kanyang direktor dahil talaga raw na napiga siya ng husto sa kanilang movie. Sana ngay manalo si Binoe ng best actor sa nalalapit na award na inaasam ng kahit sinong artista.
Sa pag-atras ng pelikulang Bridal Shower ay silang dalawa na lang ang naiwang maglalaban sa best actress.
Magandang abangan natin ang mahigpit na pagtatapat ng dalawa. Parehong walang tulak kabigin at hindi matatawaran ang dalawang aktres pagdating sa acting. Pagpapatunay ni Guy ay ang napakaraming beses nitong pagtanggap ng best actress trophies sa ibat ibang award giving bodies. At kapag nagkataon naman ay ito ang magiging first best actress award ni Juday.
Nakikinita ko na rin ang pagsasagupan ng kani-kanilang fans. Alam naman natin na kadalasan ay mas mahigpit ang pag-aaway ng mga fans kesa sa mga artista. Kaya ngayon palang ay pakiusap sa dadalo o manonood na fans sa Gabi ng Parangal na magbigay sila respeto sa nasabing affair. Sana pairalin po natin ang self-disipline para maging maganda at marinig natin ng maayos ang programa. Kung paanong sport ang ating mga iniidolo sana ganito rin tayong mga fans.
Minsan ko siyang pinakanta sa Mastershowman at doon lang nalaman ni Malou Choa Fagar, producer ng Eat Bulaga na marunong palang kumanta si Paolo. Mula noon ay ay nabibigyan na siya ng chance na kumanta kasama ang iba pang grupo.
Katulad ng ibang artist ay malaking asset din si Paolo sa ating movie industry. Kaya keep up the good work Paolo, hwag kang mahiyang ipamalas ang mga natatago mo pang talento.