Ciara, nagsalita na tungkol sa issue ng $4-M

Dumating na si Ciara Sotto from the States. Intriga agad ang bumungad sa kanya, nasa airport pa lang siya.

Marami kasing nagtatanong kung totoong na-hold sila sa Amerika matapos mahuli ang mommy Helen Gamboa niya na may dalang $4 million. At dahil bawal daw, nagbayad sila ng fine na $200,000.

Not true. Sagot ni Ciara. "Paano naman kami mahuhuli eh wala naman kaming dalang ganoong pera? Besides kung nahuli kami, sana hindi na kami nakapasok sa Amerika. Eh up to now, nandoon pa ang mommy ko," she said.

No’n kasing nasa Amerika sila, nagkalat sa text messages ang nasabing balita. As in idi-deposit raw nilang mag-ina ang nasabing pera mula dito sa Pilipinas.

But on the second thought, kung totoong nahuli sila, siguro naman nabalita agad ‘yun dahil asawa at anak ng senador ang involve.

So, siguro naman ngayon, malinaw na sa lahat ang issue.
* * *
Sayang at hindi na kasama sa six official entries ng Manila Film Festival ang Liberated 2 starring Diana Zubiri, Francine Prieto and Christian Vasquez.

Hindi raw kasi kakayaning tapusin ang pelikula before June 23, na official na simula ng MFF.

Nagkaroon daw kasi ng conflict sa schedule ng mga artista at director.

Hindi raw magkatugma-tugma ang schedule ng lahat ng involve sa pelikula kaya nag-decide na lang ang producer nitong si Robbie Tan na i-withdraw ang kanilang entry.
* * *
Very much on pa pala si Pia Guanio sa boyfriend niya contrary sa report na split na sila at ang direktor na si Lino Cayetano ang ka-MU niya ngayon. Sabi ni Pia, masaya sila ng boyfriend niya for so many years now, sa launching ng bago niyang ini-endorse na product, ang Garnier, hair coloring actually ito na product ng L’Oreal sa Discovery Suite last Thursday afternoon.

Isa si Pia sa pinaka-in demand na commercial endorser to date. Kasama sa mga na-endorse niya ang Rexona, Ritratto clothing, Alaska milk, Whispher sanitary napkin, M&M’s chocolate, Paperdolls clothing, Manel’s shoes and bags, Lucky Me Sotanghon among others.

Ang pinaka-latest nga ay itong Garnier. Siya ang first Filipina/endorser ng nasabing product. "The brand required a spokesperson who would be able to both communicate and epitomize the brand’s values of modernity, freshness and joy," sabi ni Berend Van Iterson, general manager of consumer products division of L’Oreal Philippines na nakita nila kay Pia after ng mahabang screening.

"With Pia’s winning personality and solid track records in media, along with her current professional stint as showbiz anchor in a primetime news program and host to the longest running noon-time show, we are certain that Garnier will captivate the Filipino consumer into it’s vision of beauty which is inspired by nature and made possible through technology," sabi naman ni Joanna Duenas, marketing manager.

Available na sa market ang Garnier Nutrisse hair coloring.

Sabi ni Ms. June Rufino, almost one year ang inabot bago natuloy ang nasabing endorsement ni Pia dahil nag-search ang company na magri-represent sa product na ini-endorse internationally ni Jessica Parker ng Sex In the City, pero in the end si Pia pa rin ang nagwagi.
* * *
Ilang buwan na rin ang nakakaraan nang manalo si Rachelle Ann Go sa Search For A Star kung saan tinalo niya ang siyam niyang kalaban, pero hanggang ngayon may pagkakataon pa ring hindi niya maiisip na winner na siya at paganda nang paganda ang singing career niya.

At ngayon nga, maraming nagsasabi na maraming patataubin si Rachelle sa hanay ng mga young singer sa kasalukuyan.

"Ayoko rin pong mag-expect ng too much pero gagawin ko pa ang lahat para hindi ma-disappoint ang mga taong nagi-expect sa akin," sabi ng 17 years old na si Rachelle.

Napanalunan ni Rachelle sa Search For A Star ang P1 million at house and lot package.

"Hindi ko talaga ini-expect na ako ang mananalo. But of course, I am very happy dahil ever since, pangarap ko na talagang maging singer, and now, may chance na akong ma-fulfill ang pangarap ko," she said sa isang previous interview.

Actually, sa simula pa lang ng contest, top choice na siya dahil nga sa ‘crystal clear’ niyang boses.

Pero alam niya nang manalo siya, simula pa lang ‘yun - kailangan niya ng hard work and more hard work para ma-achieve niya ang tagumpay.

"You have the voice of Mariah Carey na mas kumukulot-kulot at naiiba ang placements pero hindi nawawala sa tono. Bigyan lang siya ng tamang break, mas sisikat pa siya kay Regine Velasquez," sabi ng isang industry observer.

Na-anticipate na ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus, head ng Viva Artists Agency na nagha-handle ng career ni Rachelle. Katuwiran ni Ms. Veronique, hindi lang ang boses ni Rachelle ang nagpanalo sa kanya kundi ang star appeal nito na wala ang ibang baguhang singer.

Bukod sa kanyang boses, marunong ding umarte at sumayaw si Rachelle bukod pa sa kanyang mass appeal. "We were looking for someone who not only had the voice, but who could cross over from music to TV and the movies."

Tulad ni Sarah Geronimo, idol ni Rachelle si Regine Velasquez.

By the way, makikipagtagisan si Rachelle kina Sarah Geronimo at Erik Santos sa kanilang concert entitled Battle of the Champions na gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 3.

Magkahalong nerbiyos at excitement ang nararamdaman ngayon ni Rachelle pero confident siyang kaya niyang makipagsabayan kina Sarah and Erik.
Personal
Belated happy birthday to my mother - Rosalina Vedad Asis of Rizal, Sta. Elena Camarines Norte. I love you mother!
* * *
Salve Asis’ e-mail - salveasis@yahoo.com/salve@philstar.net.ph

Show comments