"I think this is a good sign, a blessing dahil sa July pa naka-schedule ang showing ng aming movie pero, dahil mayron yatang isang pelikula which couldnt make it on time for the festival ay nakapasok kami," ani Gng. Genelyn Magsaysay, na tuwang-tuwa sa naging takbo ng pangyayari.
Nabuo lamang ang Magsaysay Films dahil sa kagustuhan ng ina ni Ram na maging useful at tuloy ay makatulong na rin sa career ni Ram sa showbiz. Bagaman at mayroon pa siyang mga maliliit na anak, ang pagpapatakbo ng kanyang production ay hindi makakaapekto ni munti man sa kanyang pagiging isang effective mother. Siyam ang kanilang anak ni Senador Ramon Revilla na ang panganay ay si Ram nga.
Samantala, sinabi ni Gen na binabantayan niyang mabuti si Ram. Panay ang pangaral niya rito na huwag magbabarkada at pumili ng mga kaibigan na magiging mabuting impluwensya sa kanya.
Sinabi niyang masunurin namang anak ito at talagang ang career nito ang inasikaso pero hindi nito maiwasan na magkaroon ng mga crush sa showbiz. Pinaka-matinding crush nito sa kasalukuyan ay si Maxene Magalona.
"Malalapit din siya sa mga kapatid niya, gaya nina Bong at mga kapatid nito. Malapit din siya sa mga pamangkin niya na sina Jolo at Bryan. Nagkakasama naman sila," pagmamalaki ng 32 taong gulang na ginang na umaasang magiging maganda ang kapalaran ng kanilang unang pelikula sa pagkakasali nito sa MFF.
Ngayon naman ay napili siyang spokesperson ng Garnier Nutrisse Natea, isang brand ng haircolor na gamit ay mga piling natural ingredients. Tamang-tama siya dahil bukod sa madali siyang makapag-communicate, she also epitomizes the brands values of modernity, freshness and joy.
With Pias winning personality and solid track record in media, mamaniin lamang nito ang pagpapaabot sa lahat ng tao ng vision ng Garnier which is beauty inspired by nature and possible through technology.
Pinamagatang Friends & Lovers, ito ang kauna-unahang Korean drama na mapapanood sa mga sinehan. Ang mga naunang Shiri at My Wife Is A Gangster ay mas action kaysa ibang genre at sa lengwaheng Ingles.
Isa itong love triangle na nagpapaalala ng first kiss, friendship, mga sakit na nararamdaman ng mga umiibig at selos. Lahat ng mga nakapanood ng movie ay lumabas ng sinehan na may luha pa sa mga mata.
Ang Star Cinema ang magri-release ng Friends & Lovers (A Lovers, Concerto) na nagtatampok sa mga top young stars ng Korea, sina Cha Tae Hyun, Lee Eun-Ju at Son Ye Jin.
Tungkol sa tatlong magkakaibigan, isang lalaki at dalawang babae na na-fall in love sa isat isa. Ang problema, hindi malinaw kung sino ang para kay sino. Hindi ito naka-apekto sa kanilang pagkakaibigan kahit pa nahihirapan si lalaki. Lalo pa nang maging kumplikado ang lahat nang ma-in love siya ng totoo sa isa.
Palabas na sa June 16 sa mga sinehan.