Nung nakaraang Huwebes (June 10) ng tanghali ay nagkaroon ng album launching sa Hard Rock Cafe sa Makati si Jennylyn na pinamagatang Living The Dream kung saan ang awiting "Kahit Sandali" ang carrier single. Sa halip na si Mark Herras, si Janno Gibbs ang kanyang guest artist sa kanyang debut album sa awiting pinamagatang "If Im Not In Love." Marami nga ang nanghinayang na hindi naisip ng GMA Records na gawing guest si Mark sa album ni Jennylyn, to think na silang dalawa ang bini-build up ngayon ng GMA bilang loveteam. Sabagay, simula pa lamang naman ito sa ilang album na gagawin ni Jennylyn at pwede pa rin namang mag-guest si Mark sa kanyang susunod na album.
Sa totoo lang, napaka-swerte ni Jennylyn dahil sa dinami-dami ng mga artists ng GMA ay siya lamang ang nabigyan ng ganitong kalaking break. Pangalawang artist bale si Jennylyn ng GMA Records at ang isa pa ay si Jolina Magdangal.
Isa si Jennylyn ngayon sa pinakamainit among the young stars. Naging instant star siya magmula nang siyay mapasali sa StarStruck hanggang sa maging ultimate survivor siya.
Speaking of Jennylyn, mapupuri namin ang ina nito dahil kahit hindi niya gaanong kakilala pa ang mga entertainment writers na dumalo sa album launch ng kanyang anak ay isa-isa niya itong pinasalamatan. Sana lamang ay hindi siya maging stage mother tulad ng ibang ina ng mga young stars na mas star pang umasta kesa kanilang mga anak.
Aminado si Bayani na malaki ang naitulong sa kanya ng pagiging malaking hit ng awiting "Otso-Otso" na isa na ngayong national anthem hindi lamang sa mga kabataan kundi maging sa matatanda. Ang nasabing awitin din ang nagdala kay Bayani sa maraming lugar hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Since kasama ng kanyang tagumpay ang mga intriga, hindi nito ikinakaila na tulad din siya ng iba na nagiging biktima ng mga mapanirang intriga. Pero dahil malinis ang kanyang konsensya, ayaw na lamang niya itong bigyang pansin pero aminado siya na nasasaktan din siya lalo na ang kanyang pamilya.
"For as long as wala akong inaagrabyadong ibang tao, wala akong dapat pangilagan. Ang pinagbubutihan ko ay ang aking trabaho at inaalagaan ko ang mga blessings na ibinibigay sa akin ng nasa Itaas," pahayag ni Bayani.
"Im so blessed," bulalas niya sa presscon ng Sabel na siyang pinaka-daring movie na kanyang ginawa.
Very proud din si Juday dahil magmula nang makatrabaho niya ang award-winning director na si Joel Lamangan sa Magkapatid ay sunud-sunod na ang kanilang pagsasama sa pelikula.
Nangako mismo si Direk Joel na malaki ang chance ni Juday na mabingwit ang best actress trophy sa MMF.
"Si Vilma ang ultimate goal kong maidirek," asam pa nito.