"Kami-kami po nina Jennylyn, Rainier Castillo, Dion Ignacio ang magkakasama non, tumigil lang ako, sayang nga," bungad ni Ram during the presscon of Anak Ka ng Tatay Mo.
Inamin din ni Ram na crush niya si Jennylyn noon, pero hindi niya ito maligawan dahil may boyfriend itong nagngangalang Patrick ba sumali naman na Pop TV Idol ng ABS-CBN, bago si Jigs na myembro ng banda.
Kaya nung naglalabasang may anak na si Jennylyn ay hindi naniniwala si Ram dahil matagal nga niya itong kilala.
At dahil pag-aari na ng mama Genelyn Magsaysay-Bautista ang Magsaysay Films ay iko-consider daw ni Ram si Jennylyn sa mga next projects niya.
Samantala, masaya si Ram dahil first venture palang ng movie outfit nila ay napasama na ito kaagad sa Manila Film Festival at excited na siyang sumakay ng float na ratiy nakikinood lang siya.
Action/drama ang istorya ng Anak Ka Ng Tatay Mo na ayon kay Ram ay challenging para sa kaniya lalot si Albert Martinez pa ang ka-eksena niya mula sa direksyon ni Edd Palmos.
Pero tila pinigilan ni Mr. Tony Boy Cojuangco si Willie dahil maglalagay din daw ng noontime show ang ABC 5 at si Willie ang main host.
If ever na may offer nga uli ang Dos kay Willie ay naloloka naman kami dahil matapos nilang tsugihin ito ng ilang beses ay hetot aalukin muli?
Say naman ng taga-Singko ay kasalukuyan din silang naghahanap ng mga taong bubuo ng concept ng programang itatayo.
Inalam daw ng taga-Alpha Recording kung bakit hindi ito naige-guest sa GMA 7 para sa promo ng Pelukang Itim na malakas ngayon sa radyo at nalaman daw na naniningil ng twenty thousand per guesting ang kampo ni Eddie Gil na ikinaloloka raw ng Siyete.
Honorarium lang daw ang pwedeng ibigay kapag promo, at hindi afford ang hinihinging talent fee. Pinagsabihan daw ng taga-Alpha Records ang kampo ni Eddie Gil na hindi dapat maningil kapag nagpo-promote ng album dahil hindi pa ganun kalaking singer ang naturang nuisance candidate. Reggee Bonoan