Tanungin ninyo kahit na sinong sportsmen, basta lumampas na ng trenta, lalo na sa larong basketball, medyo may edad na iyan at mabagal na. Iba yong kagaya ni Jaworski na lolo na nakakapaglaro pa. Eh di lalo na nga ang mga artista na hindi naman talaga masasabing batak sa laro. Eh kung ang maglalaro naman ay mga sikat nga, tapos ni hindi naman makatakbo, aba eh di nilait din nila. Kaya yong bata na may kakayahan pang maglaro talaga, dahil yang Star Olympics naman ay laro hindi pasikatan.
Iyong mga big stars, naroroon naman bilang manager, coach, o nagbibigay lang ng suporta dahil hindi na nila kaya ang matinding sports competition. May ilan na kaya pa, kagaya halimbawa ni Richard Gomez, kasi sportsman naman yan. Pero hindi rin lahat ay kagaya ni Goma ang resistensiya.
Kaya tama naman si Kuya Germs. Ang Star Olympics nayan ay laro. Sports yan eh. Ang layunin ay maipakita ang other side ng mga artista at magkaroon lang sila ng isang pagkakataong magkakasama-sama. Nangyayari naman iyon kaya kahit na ano pa ang sabihin nila, talagang matagumpay pa rin ang Star Olympics dahil inaabot naman noon ang kanilang tunay na objective.
magagandang pelikulang gawa sa Korea. May kopya na rin ang hit na Silmido.
Kinukunsinti ba namin ang film piracy at smuggling? Hindi sana pero sawa na kami sa kababanat sa kanila wala naman silang ginagawa para masugpo yon. Marami rin kaming nakikitang mga taga-industriya ng pelikula na namimili roon. Eh di mag-enjoy na lang tayo dahil wala namang ginagawa ang gobyerno para pigilin iyon eh.