3 ang leading lady ni Ronnie Ricketts !
June 11, 2004 | 12:00am
Hindi naman kilala si Ronnie Ricketts bilang ma-gimik na aktor o maski na direktor na siyang trabaho niya sa pang-Manila Film Festival entry ng kanyang sariling Rocketts Productions, ang Mano-Mano 3 Arnis... The Lost Art.
Pero, dahil isang malaking event sa local showbiz ang pagkakaroon ng Pista ng Pelikula sa Lungsod ng Maynila tuwing buwan ng Hunyo kung kaya tatlong magagandang leading ladies ang kinuha niya para makasama sa pelikula. Isa rito ay ang kapapanalo lamang na Miss Philippines-Earth na si Tamera Marie Szijarto, ang TV host ng Eat Bulaga na si Leila Kuzma at ang isa sa pinaka-sikat na Viva Hot Babes na si Gwen Garci.
"Naghahanap kami ng isang artistang babae na magpu-provide ng sexy factor sa aming maaksyong movie at lahat ng tanungin ko, maging ang misis kong si Mariz, ay si Gwen ang inirerekomenda. Kaya siya na ang kinuha ko," ani Ronnie sa napaka-simpleng presscon ng kanyang pelikula na ginanap sa isang spa/gym.
Bagaman at inaasahan ng marami na magkakaroon ng maiinit na halikan ang dalawa sa pelikula, walang nangyaring ganito. "Napaka-gentleman ni Ronnie. Walang ganitong mga eksena siyang nirequire sa akin pero, may mga sexy scenes ako as Lipstick, ang secret agent na hindi alam kung kalaban o kakampi ni Ronnie," sabi naman ng seksing artista.
First film naman ang Mano-Mano 3 ni Leila Kuzma. Hindi naman naapektuhan ang Eat Bulaga dahil kapag malapit na ang oras ng TV program ay si Ronnie mismo ang nagsasabi na pwede na itong umalis.
Isang nagbigay ng malaking kasiyahan sa TV host ay ang pagkakaroon niya ng action scenes sa movie. Nagamit niya ang pagiging 1st dan blackbelter niya sa taekwondo.
Isang TV reporter na kinidnap ang role ni Leila sa movie. Iniligtas siya ni Ronnie. Bago pumasok ng showbiz, nag-aaral na sa Angeles University si Leila. Last April, nag-graduate na siya sa kursong Biology.
Dream movie ni Ronnie ang Mano Mano-3. Sa unang Mano Mano niya nagamit ng sabay-sabay ang kanyang pagiging direktor, writer at aktor. Sa Mano Mano 2 naman sila nagtambal ni Mariz.
Sa pelikula, binigyan niya ng rekognisyon ang arnis, itinuturing niyang atin dahil sa bansa natin nakilala. May eksena nga sa pelikula na ginamit niya ang arnis laban sa samurai "Kung may kung-fu ang China, Thai boxing ang Thailand, karate ang Japan at taekwondo ang Korea, tayong mga Pinoy ay may arnis na matutunghayan sa pelikula. Hindi mabibigo ang mga tagasubaybay ng mga pelikulang aksyon. Marami kami nito sa pelikula," ani Ronnie.
Kasama rin sa movie ang pamangkin ni Ronnie, anak ng kapatid niya na tumulong sa mga fight scenes sa pelikula na si Christopher Ricketts, si Bruce, maituturing na pinaka-batang martial artist at sinasabi ni Ronnie na pwede nang mag-take over sa kanya.
Second year sa high school sa La Salle Zobel si Bruce. At the age of four nagsimula na itong mag-aral ng martial arts, sipa at suntok lang siya nun pero, ngayon hasang- hasa na sa boxing, karate, ground fighting, grappling, kickboxing at arnis.
Ang iba pang bumubuo ng cast ay sina Mandy Ochoa, Monsour del Rosario at ang Ms. Phil-Earth na si Tamera Marie Szijarto.
Muli, panoorin ang Tagumpay sa Biblia Ministry sa IBC 13, ngayong gabi, 8:00-9:00 NG. Tatalakayin ngayong gabi ni Prof. Tagumpay Gonzales ang tungkol sa Armageddon sa Lupa.
[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am