Nyoy at Mannos handa na sa FAT !

I’m sure itatanong n’yo kung handa na ba si Nyoy Volante at ang grupo niyang Mannos para sa isang major concert sa Folk Arts Theater (FAT). Akala n’yo marahil ay napakalaki na ng hakbang ito para sa grupo na nakakaisang taon pa lamang sa showbiz. Pero, may ilang panahon nang regular silang napapanood sa maraming lugar (Vaga Verde, Hard Rock Cafe, Podium, Republic of Malate, Ratsky, at pinaka-recent sa Music Museum, atbp) kung kaya minarapat ng Postures (Events and Talent Management) na iprodyus sila ng isang major concert sa FAT. Hindi naman gaanong mahal ang tiket (pinaka-mura na ang P150, bagaman at may nagkakahalaga ng P1,200) na kayang-kaya ng mga estudyante na siyang bumubuo ng bulwak ng mga tagahanga ng NV & M.

Sa launching ng Straight Up, ang titulo ng kanilang concert na ginanap sa Music Room ng Manila Pavilion Hotel, nagpakitang gilas ang grupong hindi lamang sa pagkanta ng mga popular nilang awitin kundi maging sa pagtugtog ng mga hawak nilang instrumento. Hinangaan ko talaga ang biyulinistang si Jerome Nuñez at si Nyoy sa gitara sa kanilang bersyon ng "Spain". Napaka-ganda talaga. At nung awitin nila ang bersyon nila ng "Ticket To Ride" ng The Beatles, nakita na talaga ang kanilang kagalingan bilang mga musikero. Hindi pala nakapagtataka kung bakit sasandali lamang at nakuha na nila ang paghanga ng lahat.

Dating drummer si Jerome, anak ng mahusay na musikerong si Alvin Nuñez. Siya lamang ang nabigyan ng classical training sa St. Scholastica’s Conservatory of Music.

Natuklasan lamang niya ang biyulin sa pamamagitan ng jazz drummer na si Noel Pointer. Siya ang sumasagot sa mga musical questions ng grupo.

Bagaman at si Nyoy ang nagdadala sa grupo, never pumasok ito sa isip niya. Siya ang nag-compose ng ilan sa mga hits ng grupo – "Bakit", "Love To Love Your Love", "Starlight" at "Kapiling". Tumutugtog din siya ng piano, drums, bass at percussion pero mas ginusto niyang magpakadalubhasa sa acoustic na gitara through self-study.

Mahusay din ang bass guitarist na si Cocoy Aranas. Bagaman at isang inhinyero, he shares some of the singing chores with Nyoy at plays the guitar like Nyoy. Hindi siya natatakot kung mapuno man nila o hindi ang FAT. "We just hope na tumatak sa tao ang concert namin," aniya.

Si Glenn Dalit ang humahawak naman ng K-hon. Dati siyang nagsosolong percussionist ng grupo pero ngayon ay magkasama na sila ng bagong myembro na si Maynard Albis sa trabahong ito. Si Maynard ang humahawak ng mga bongo drums. At silang dalawa ang nagbibigay ng konsepto ng acoustic music sa grupo dahil hindi konektado sa anumang electronics ang kanilang mga instrumento.

Para sa iba pang detalye, tumawag lamang sa 8919999.
* * *
Nag-uulan na naman kaya mahirap na namang lumabas at gumimik. May solusyon ang My Special Valentine (MSV) Classics Illustrated dito. May mga bago silang release na mga libro mula sa Bookware Publishing Corp. na makapagpapainit ng malamig na kapaligiran. Sampu ito – "I Can’t Live Without You", "Napamahal Ka Na Sa Akin", "Say That You Love Me", "My Heart Can Not Forget", "Promise...Maghihintay Ako", "Masakit Pala Ang Umibig", "Magmamahal Pa Bang Muli", "Mapipigilan Ko Ba Ang Ibigin Ka", "Kung Kailan Mahal Na Kita", "Kapag Tunay Kang Umibig", "The Truth Is", "Mahal Kita" at "All My Life, Hinintay Kita".

Show comments