Robin,dinirek ng Hong Kong direktor

Nakipagteam-up ang action superstar na si Robin Padilla kay Alexi Tan, isa sa pinakasikat na Hong Kong director para sa bagong Argentina Corned Beef Extra Long Shreds TV commercial (TVC).

Tipong Crouching Tiger, Hidden Dragon ang dating ng bagong TVC, kung saan ipinakikita si Robin na nakikipaglaban sa mga ninja, habang siya ay nagluluto ng paborito niyang Argentina Corned Beef Extra Long Shreds.

Sa kabila ng pagiging busy ni Binoe, pinaglaanan talaga niya ng panahon ang shooting ng bagong TVC. Una, dahil paborito raw niya ito. "Isa pa, Halal food ito, kaya hindi salungat sa paniniwala ko," anang aktor.

Hong Kong based director si Alexi at kilala siya all over Asia for his skill in art direction and photography. Ilan sa mga commercial na dinirek ni Alexi ay nakasama sa Shots, a compilation of the best advertising in the world. Ang TVC na ginawa niya for Acer computers, kung saan nakatrabaho niya ang production designer ng Crouching Tiger, Hidden Dragon ay nanalo sa London International Advertising Award.

"Mga martial arts experts yung mga stuntmen na kasama namin sa commercial," kwento ni Robin. "Yung iba sa kanila nakatrabaho ni Jackie Chan sa mga action movies niya," pagmamalaki pa ni Robin.

Show comments