Sarah,Nickelodeons's Choice Awardee

Tuwang-tuwa ang pamangkin kong si Carmela Liane Cueto pagkagaling nito sa Araneta Coliseum para sa Grand Questors night ng Star Cirle Quest noong Sabado. Maraming kwento ang pamangkin ko. Tuwang-tuwa siya dahil nanalo ang idol niyang si Hero Angeles.

Natatandaan ko na days before the grand finals, kinulit na ako ng pamangkin ko ng tickets. Huwag ko raw siyang hihindian gusto raw talaga niyang makapanood.

Naikwento ng pamangkin ko na ang dami raw fans ni Hero.

"Ang lakas ng sigawan kay Hero, Tito Eric," tuwang-tuwang kwento ng pamangkin ko. "Hindi ako nakapagpa-autograph kasi ang daming lumalapit kay Hero. Nilapitan ko si Joross (Gamboa), ang bait din."

Natuwa naman ang pamangkin ko dahil very sport daw si Sandara Park. Niyakap daw nito si Hero kahit ito ang nanalong Grand Questors.

"Mabait siya, Tito Eric. Niyakap niya agad si Hero. Pero sila talaga ni Hero ang pinakamaraming fans."

Excited na ang pamangkin ko na mapanood ang SCQ Reload. Ito ay ang bagong youth-oriented drama show ng winners ng SCQ. Magsisimula ito sa third week of June.

Bukod sa Fab Five na kinabibilangan nina Hero, Sandara, Joross, Roxanne Guinoo at Melissa Ricks, kasama rin sa cast ang Power 5 na kinabibilangan naman nina Joseph Bitangcol, Raphael Martinez, Errol Abalayan, Michelle Madrigal at Neri Naig.

Ang SCQ Reload ay ididirek ng mentor ng SCQ na si Lauren Dyogi.
* * *
Isa pang happy these days ay si Joseph Bitangcol. Nagtala ng mataas na rating ang lifestory niya sa Maalaala Mo Kaya na ipinalabas last week. Nagtala ito ng 27% laban sa katapat na programa na naka-21% lang.

"Marami nga po ang nag-text sa akin, naiyak daw po sila sa lifestory ko sa MMK," kwento sa akin ni Joseph nang makasalubong ko ito recently. "Happy po talaga kasi feeling ko, artista na ako kahit hindi naging top winner. Nagpapasalamat ako sa MMK sa pag-feature nila sa lifestory ko at kay Direk Jerry (Sineneng) sa tiwala sa akin."

Hindi man napasama as grand finalist sa Star Circle Quest, sunud-sunod naman ang projects ni Joseph. Kasama na rin siya sa SCQ Reload. Sa nasabing youth-oriented show, ilu-launch ang loveteam nila ni Michelle Madrigal. Inuulan na rin ngayon ng inquiry si Joseph for shows, guestings at endorsements.

Si Joseph ay nasa pamamahala na ng ABS-CBN Talent Center. Si Ana Melissa Yambao ang ini-assign ni Jonny Manahan na maging handler niya. Bukod kay Joseph, si Ana Melissa din ang ang handler nina Hero, Sandara, Roxanne, Joross, Michelle, Neri at Errol.
* * *
This year, Sarah Geronimo is the recipient of the Nickelodeon’s Kids Choice Award. Ibinalita sa akin ito ni Nini Matilac, executive producer ng Sarah, The Teen Princess (seen weekdays, every 5 pm on ABS-CBN). The same prestigious award was given to international superstar Justine Timberlake last year. Si Sarah ang kauna-unahang Pinoy na ginawaran ng said recognition.

Naganap ang awarding ceremonies sa MTV Asia office sa The Fort, Bonifacio Global City last June 3. Personal na tinganggap ni Sarah ang kanyang trophy.

Sa speech ni Sarah, sinabi nitong patuloy niyang gagawing inspirasyon ang mga kabataan, particularly ang mga bata. Most of Sarah’s fans, especially those who watch Sarah, The Teen Princess ay mga bata. Kahit ang mga kumakanta ng mga hit songs niya ay pawang mga bata.

Speaking of Sarah, tuluy-tuloy na ang pagbi-build up ng loveteam nila ni Mark Bautista sa Sarah, The Teen Prinscess. Sa mga nagdaang episode, sinagot na ni Sarah si Baste (Mark).

Ito ang dahilan kung bakit hindi na ‘kuya Mark’ ang tawag ni Sarah kay Mark.

Nangangahulugan kaya ito na pwede nang i-entertain ni Sarah ang panliligaw ni Mark?

Show comments