Jopay ng Sexbomb,nambato ng bote !
June 9, 2004 | 12:00am
Na-shock ang mga taga-Balic Balic, Sampaloc Manila last Sunday dahil ang dati nilang ka-barangay at kapitbahay na si Jopay Paguia ng Sexbomb Dancers ay nagwala at nambato ng bote sa taong naka-away ng kanilang kaibigan.
Ayon mismo sa taga-Balic Balic ay dating nakatira si Jopay sa Roxas St. cor Mindanao nung hindi pa ito sikat at dumadalaw lang ito sa naturang lugar dahil piyesta at sa imbitasyon na rin ng ilang kaibigan.
Dagdag pa na may dinalaw ding dating boyfriend si Jopay na maski na matagal na silang hiwalay ay hindi pa rin daw nito makalimutan ang lalaki. Tila nagkaroon daw ng tuksuhan at ang napikon ay ang kaibigan daw ng naturang Sexbomb dancer.
"Imbes na umawat si Jopay, nakigulo pa at binato ng bote yung tao at nagkasugat," pahayag ng aming source.
At dahil dito ay magsasampa raw ng reklamo ang taong nasugatan ni Jopay. (Ulat ni REGGEE BONOAN)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended