Nyoy at Mannos, may major concert
June 8, 2004 | 12:00am
Sa kabila nang hind pa rin masugpo-sugpo ang problema ng piracy, patuloy pa rin ang paggawa ng maraming album. Hindi lang ng mga local artists natin kundi maging ng mga foreigners na talagang dumadayo pa sa ating bansa para lang maiparinig ang kanilang musika.
Katulad na lang ng multi-platinum and Grammy winning R&B-pop vocal quartet na All 4 One. Ang grupo ay binubuo ng mga California-based na sina Tony Borrowwiak, Jaime Jones, Delious Kennedy at Alfred Navarez. Kumakanta ang grupo sa kanilang mga hits at sell-out concerts around the world, mula Europe, Asia at Across North America.
Ang grupo ay nakilala dahil sa no. 1 hit song nilang "I Swear" na nagbigay sa kanila ng Grammy Award at Best Pop Performance at Billboard pop singles for 11 straight weeks. Ang quartet ay umani na rin dati sa kanilang platinum album ng mga kantang "Carole King, A Tribute To Tapestry," "Someday" at "Space Jam," isang original soundtrack sa Disney movie na The Hunchback of Notre Dame.
Ngayon ay may bago silang album na pinamagatang "All 4 One Split Personality" na inspired renditions ng mga familiar tunes like Andy Gibbs "I Just Wanna Be Your Everything" at Simon & Garfunkels "Bridge Over Trouble Water".
Ang first single mula sa album ng "All 4 One Split Personality" ay romantic ballad na "Someone Who Lives In Your Heart" at iba pang kanta na "I Prayed 4 U," "Like That," "Men Are Not Supposed to Cry," "Here is My Heart," "Get It Right," "Why," "One More Day," "Workin On Me," "Movin On," "2 Sides 2 Every Story," at "Quedetha" na pinamamahagi ng Universal Records.
Isa pang foreign artists na nakaplanong mag-concert sa bansa ay ang tinaguriang jazz diva na si Stacey Kent na sumikat sa mga awitin mula renditions ng "The Geart American Songbook Classic". Ang kanyang album na "The Boy Next Door" ay umabot na sa platinum marks sa UK, silver disc sa France at nanatili sa American Billboard chart or 22 weeks. Ang "The Boy Next Door" ay released ng Candid Records Phils.
Pagkatapos mag-hit ang unang album na "Acoustic" nina Nyoy Volante at Mannos na released ng Vicor Music, ngayon ay nakatakda nilang gawin ang kanilang first major concert na pinamagatang Straight Up na gagawin sa (June 26) Tanghalang Francisco Balagtas (dating Folk Arts Theater).
Patutunayan ng grupo na handa na silang mag-perform sa mas malaking venue tulad ng FAT. Magiging bahagi ng kanilang show ang mga hit songs ng NV&M tulad ng "Nasaan" at mga top 40 hits at revivals. Ipakikita ng grupo ang ngayon ay tinaguriang "pop-acoustic" na klase ng musika kung saan sila nakilala.
"Magiging very special ang show naming ito dahil ngayon lang kami talaga nagsunog ng kilay ng mahabang panahon just to prepare for this concert," sambit ni Nyoy.
Katulad na lang ng multi-platinum and Grammy winning R&B-pop vocal quartet na All 4 One. Ang grupo ay binubuo ng mga California-based na sina Tony Borrowwiak, Jaime Jones, Delious Kennedy at Alfred Navarez. Kumakanta ang grupo sa kanilang mga hits at sell-out concerts around the world, mula Europe, Asia at Across North America.
Ang grupo ay nakilala dahil sa no. 1 hit song nilang "I Swear" na nagbigay sa kanila ng Grammy Award at Best Pop Performance at Billboard pop singles for 11 straight weeks. Ang quartet ay umani na rin dati sa kanilang platinum album ng mga kantang "Carole King, A Tribute To Tapestry," "Someday" at "Space Jam," isang original soundtrack sa Disney movie na The Hunchback of Notre Dame.
Ngayon ay may bago silang album na pinamagatang "All 4 One Split Personality" na inspired renditions ng mga familiar tunes like Andy Gibbs "I Just Wanna Be Your Everything" at Simon & Garfunkels "Bridge Over Trouble Water".
Ang first single mula sa album ng "All 4 One Split Personality" ay romantic ballad na "Someone Who Lives In Your Heart" at iba pang kanta na "I Prayed 4 U," "Like That," "Men Are Not Supposed to Cry," "Here is My Heart," "Get It Right," "Why," "One More Day," "Workin On Me," "Movin On," "2 Sides 2 Every Story," at "Quedetha" na pinamamahagi ng Universal Records.
Patutunayan ng grupo na handa na silang mag-perform sa mas malaking venue tulad ng FAT. Magiging bahagi ng kanilang show ang mga hit songs ng NV&M tulad ng "Nasaan" at mga top 40 hits at revivals. Ipakikita ng grupo ang ngayon ay tinaguriang "pop-acoustic" na klase ng musika kung saan sila nakilala.
"Magiging very special ang show naming ito dahil ngayon lang kami talaga nagsunog ng kilay ng mahabang panahon just to prepare for this concert," sambit ni Nyoy.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am