Ang plaque of proclamation ay pormal na iginawad kay Ms. Aunor sa isang luncheon na ginawa sa Marriot Hotel sa San Francisco ng host na si Ms. Jacquie Lingad-Ricci, isang Filipino-American community leader sa siyudad ng San Francisco. Sa naturang luncheon birthday party ay nagbigay ng tribute ang isang Pinoy music teacher from New Jersey, na si Nani Fandino, at binanggit nito ang mahahalagang ambag ng superstar sa musika at kulturang Pinoy.
Ang ulat na itoy hatid ng kaibigan naming propesor ng PUP-Sto. Tomas, Batangas, na si Pit Maliksi na kaugnayan naman nina Vonnel Mirandilla at Albert Sunga (ng International Circle of Online Noranians) na kasa-kasama si Ate Guy ngayon sa America. Dennis Adobas