^

PSN Showbiz

Nora,pinarangalan sa San Francisco, USA

-
Alam n’yo bang ika-51 na kaarawan ng superstar na si Nora Aunor noong ika-21 ng Mayo na nagkataong nasa San Francisco, California, USA, siya para sa concert nilang dalawa ni Kuh Ledesma na Power of 2 ay nagproklamang Nora Aunor Day ng city Mayor Gavin Newsom? Ngayon lang ito nangyari sa isang Pinoy artist!

Ang plaque of proclamation ay pormal na iginawad kay Ms. Aunor sa isang luncheon na ginawa sa Marriot Hotel sa San Francisco ng host na si Ms. Jacquie Lingad-Ricci, isang Filipino-American community leader sa siyudad ng San Francisco. Sa naturang luncheon birthday party ay nagbigay ng tribute ang isang Pinoy music teacher from New Jersey, na si Nani Fandino, at binanggit nito ang mahahalagang ambag ng superstar sa musika at kulturang Pinoy.

Ang ulat na ito’y hatid ng kaibigan naming propesor ng PUP-Sto. Tomas, Batangas, na si Pit Maliksi na kaugnayan naman nina Vonnel Mirandilla at Albert Sunga (ng International Circle of Online Noranians) na kasa-kasama si Ate Guy ngayon sa America.— Dennis Adobas

ALBERT SUNGA

ATE GUY

DENNIS ADOBAS

INTERNATIONAL CIRCLE OF ONLINE NORANIANS

KUH LEDESMA

MARRIOT HOTEL

MAYOR GAVIN NEWSOM

MS. AUNOR

PINOY

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with