Kamakailan lamang ay nagbigay si senator-elect Bong Revilla ng magkahiwalay na thanksgiving party. Una para sa kanyang mga supporters, mga kaibigan at kapwa politicians na ginanap sa Century Park at pangalawa naman sa kanyang mga kaibigan sa entertainment press na ginanap naman sa Annabels. Espesyal kay Bong ang Annabels Restaurant sa Quezon City dahil naging saksi ang nasabing lugar sa maraming okasyon ng kanyang buhay na kasama niya ang mga kaibigan sa entertainment press. Hindi ikinakaila ng batang senador na malaki ang naitulong sa kanya ng entertainment press kung anuman ang kanyang narating ngayon at ang kanyang mga nakalipas na achievements.
Nasubaybayan din ng mga movie writers ang pagsisimula ni Bong sa showbiz, sa kanyang pag-aasawa at sa kanyang pagpalaot sa dagat ng pulitika. "Kung anuman ako ngayon at kung ano ang aking narating, naging kaagapay ko ang mga kaibigan natin sa entertainment media," paglalahad ni Bong. "Kung anuman ang aking mga pangako nung nangangampanya pa lamang ako, sisikapin kong matupad lahat at ayaw kong biguin ang mga taong nagtiwala sa akin," dugtong pa niya.Ngayong balik na naman sa dati ang pagkakaibigan nila ng kanyang nakatampuhang kaibigan na si Jinggoy Estrada na isa rin sa pinalad na maluklok sa senado, buo na naman ang barkada nila nina Rudy Fernandez at Phillip Salvador.
Kakaiba ang papel na ginampanan ni Juday sa Sabel. Isa siyang social worker na madalas bumibisita sa city jail para magbigay ng pag-asa at kasiyahan sa mga inmates. Nagbibigay siya ng Bible counseling. Pero sa kasamaang palad ay na-rape siya ng isang gwapong inmate na si Kanor na ginampanan ni Wendell Ramos. Dahil dito, huminto si Sabel sa pagbisita sa kulungan. Nang lumaya si Kanor, hinanap niya si Sabel at dito nabuo ang kanilang pag-iibigan hanggang siyay mabuntis. At kung kelan gustong pangatawanan ni Kanor ang kanyang atraso kay Sabel ay saka naman biglang nag-disappear si Sabel. Matapos ma-heartbroken si Kanor, naghanap siya ng ibang kaligayahan at dumating sa buhay niya si Jenny (Iza Calzado), isang manunulat na nakilala niya sa jail. Nagpakasal ang dalawa at nagkaroon sila ng anak. Pagkaraan ng maraming taon, muling pinagtagpo ng tadhana sina Sabel at Kanor pero sa isang kumplikadong sitwasyon. Si Sabel ay nahaharap sa isang murder case habang si Kanor ay hindi na malayang mahaling muli dahil meron na itong asawa at pamilya. Proud si Juday na sa kanya ipinagkatiwala ng Regal ang nasabing proyekto na ipinagmamalaki niya saan man siya makarating.