^

PSN Showbiz

Asawa ng actor nahuling nagsa-shoplift?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
How true na nahuli ng security camera ng isang malaking department store ang asawa ng actor na nagsa-shoplift. You read it right folks! As in kumuha raw ang nasabing Mrs. ng actor ng isang jewelry na wala siyang intention na bayaran dahil itinago na agad.

Nang madiskubre raw ng security ang nangyari, na-hold si Mrs. at kinuha ang item na kinuha ni Mrs. To the rescue daw siyempre ang actor husband ni Mrs. at sugod ito sa department store para bayaran ang item na sinungkit ng kanyang misis. Ang sistema pala ng ganoon, triple ang magiging bayad mo sa item pero hindi mo makukuha ang item. Mapupunta pa rin yun sa kanila (department store).

Mahal daw ang halaga na kinuha ni Mrs. kaya lang, wala raw choice si Mr. kundi bayaran or else kakalat ang sakit ng kanyang misis na isang kleptomaniac sa media ayon sa source ng Baby Talk.

Ayon sa source, mental sickness ang pagiging klepto kaya hindi puwedeng maiwasan ang ganitong sakit.

Ito raw ang second time na nahuli si Mrs. na nagsa-shoplift sa isang high end store sa Makati.

Isang insider ng department store ang nagkuwento sa source ng Baby Talk.

Kung tutuusin, walang problema sa pera ang asawa ng actor na ito dahil malaki naman ang kita ng kanyang asawang actor na in demand pa rin naman sa showbiz.
* * *
Walang possibility na magkawatak-watak ang Sexbomb Girls. As in malayo raw itong mangyari dahil the more na nagtatagal ang grupo nila, mas nagiging close sila. Ang sinasabing rason ng pagdi-disband ng grupo ay dahil gusto na raw magsolo ni Rochelle. "Hindi naman kailangang buwagin pa ang grupo namin para mag-solo ako. Eh pag kailangan ko namang mag-solo puwede naman," sabi ni Rochelle sa launching ng kanilang third album under BMG Records Pilipinas.

Actually, totoo naman. Nakagawa na nga siya ng movie with Bong Revilla, Bertud ng Putik na hindi kasama ang buong grupo ng Sexbomb.

Minsan din, pag siya lang kailangan, wala namang problema sa mga ka-grupo niya.

Anyway, sa kanilang third album, siguradong maraming magi-enjoy.

Sa una kasi nilang album, "Unang Putok," nag-produced ito ng kanilang hits na "Bakit Papa," "Pretty Little Baby" and "Venus." Sa kanila namang "Round 2," nabaliw ang lahat sa kanilang "Ispageting Pababa, Ispageting Pataas" na pilit na ginagaya.

Kaya naman sa kanilang latest album, "Bomb Thr3at," patutunayan uli nila na sila ang most popular girl-group sa bansa. This time, mga superheroes sila - Rochelle, Jopay, Weng, Izzy, Monique, Yvette kasama ang kanilang new member na si Mariam.

Kasama sa "Bomb Thr3at" ang 11 original tracks na gawa nina Lito Camo, Raymund Ryan, Francis M and Erwin dela Cruz - "Tong Song," "Laban O Bawi," "Amoy ng Papa," "Sige Pa," "Chuvang Papa," "Daisy Siete," "Dance Tayo 4Ever," "Lollipop," "Lalaban, Babawi" at marami pang iba. Ang "Halukay Ube" ang kanilang carrier single.

May bagong dance steps ang grupo para sa "Halukay Ube."

Ang Bomb Thr3at ay available na si CDs and cassettes under BMG Records Pilipinas.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected] / [email protected]

vuukle comment

BABY TALK

BAKIT PAPA

BONG REVILLA

CHUVANG PAPA

DAISY SIETE

DANCE TAYO

FRANCIS M

HALUKAY UBE

RECORDS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with