Mas nauna ang Dos sa Kuwelanovela

Sa murang edad na pito, naranasan ni Joseph Bitangcol, isa sa Magic Circle of 10 ng Star Cirlce Quest ang pinakamatinding dagok sa kanyang pamilya. Nagsimula ito nang sumabog ang Mt. Pinatubo na naging dahilan ng sunud-sunod na pagsubok sa kanilang buhay. Hindi makakalimutan ni Joseph yung araw na kailangang lumikas ng kanyang pamilya dahil sa tindi ng ashfall. Mula Pampanga, lumikas ang buo niyang pamilya sakay ng isang tricycle.

"Hindi ko alam kung paano namin nagawang marating ang Cubao, basta nangyari na lang. Isa yon sa pinaka-tragic na nangyari sa buhay ng pamilya ko," maluha-luhang kwento ni Joseph.

Marami pang pangyayari sa buhay ni Joseph na hindi niya makakalimutan.

"Hindi ko makakalimutan yung incident sa school. Finals namin noon. I’m about to take the exam nang hilahin ng teacher ko yung test paper. Hindi raw ako pwedeng kumuha ng exams dahil hindi pa ako bayad sa matrikula," kwento pa nito.

At dahil likas na gwapo at may angking husay sa pagsayaw, kumatok ang opportunity kay Joseph na i-try ang showbiz. Ang Star Circle Quest ang naging daan para masubukan ni Joseph ang showbiz.

Ang kabuuan ng kwento ng buhay ni Joseph ay mapapanood ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya. Joseph plays himself at kasama rin sina Rio Locsin at Lito Pimentel. Si Jerry Lopez Sineneng ang nagdirek ng episode.
* * *
Para sa kaalaman ng GMA 7, hindi sila ang una sa sinasabi nilang kwelanobela. Gusto ko lang i-refresh ang kanilang memory na ABS-CBN ang unang nakaisip ng ganitong forte noong 1999, via the dramedy Labs Ko Si Babe ni Jolina Magdangal. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong genre sa telebisyon.

Pinalabas ng GMA na ‘first’ daw ang bago nilang programa na Marinara sa ganitong forte. Sa Labs Ko Si Babe, unang nakita ang mga drama actors na nagpapatawa. Sinong makakalimot kay Jaclyn Jose sa kanyang role bilang ina ni Jolina. Nariyan din sina Johnny Delgado, Zsazsa Padilla at Edgar Mortiz?

Again sablay na naman ang think tank ng GMA 7 sa kanilang claim. Well, talagang siguro mahihirapan na silang makaisip ng original concept para sa kanilang mga programa. Kaya ang dati nang konsepto ng ABS-CBN ay kanilang kini-claim at pinalalabas na bago at una sila.

Mag-isip naman kayo ng original at bago, no!
* * *
Matutuwa ang followers ng Basta’t Kasama Kita dahil extended nga ito hanggang September. Mismong si Robin Padilla ang nagkumpirma na tuloy pa rin siya sa nasabing teleserye.

"Sino ba naman ako para tumanggi?" sabi nito. "Management na ang nakiusap sa amin ni Juday kaya wala rin kaming choice. And personally, gusto ko rin dahil may followers na talaga ang show namin. Ano ba naman yung pagbigyan namin sila ng ilang months pa."

Ayon kay Robin, sa Basta’t Kasama Kita, nagawa niya ang mga roles na hindi pa niya nagagampanan sa pelikula. "Nakakapag-experiment kami sa show. Nagagawa namin lahat. Kung gusto namin ng matinding action, pwede. Kung drama, laging andiyan. At pag-comedy, pwede rin."

Kung sa telebisyon ay busy si Robin sa BKK, hindi pa rin nawawala ang pelikula. In fact, may pelikula siyang entry sa Manila Film Festival, ang Kulimlim ng Viva Films. Leading lady niya sa suspense-action movie na ito si Tanya Garcia.

"First time na gumawa ako ng ganitong movie," sabi ni Robin. "Tatlo ang characters ko. Mahirap pero, pwede kong sabihin na isa ito sa mga dream projects ko."

Show comments