Aga, may problema kay Igi Boy!

Mukhang hindi makakapag-promote ng pelikula niyang Sabel si Judy Ann Santos sa mga programa ng ABS-CBN dahil produced ito ng Regal Films.

Naging tradisyon na kasi sa Dos na kapag may pelikulang ipalalabas din ang Star Cinema na makakasabay ng ibang pelikula ay hindi nila ito binibigyan ng chance na i-promote ang artista nila sa kanilang network tulad nga ni Juday.

Pero tila hindi naman apektado ang bida ng Sabel dahil welcome siyang mag-promote sa SOP ng GMA 7 at may schedule na siya rito kung kailan.

Isang matunog na halakhak naman ang isinagot ni Juday nu’ng malaman niyang type siya ni Sunshine Dizon dahil mabait, marunong makisama at maganda raw ang love interest niya sa pelikula.

For Juday, "natutuwa lang ako dahil alam kong hindi naman malisya ang ibig sabihin ni Sunshine, pero kung ako ang tatanungin, lalaki ang type ko."

Samantala, mukhang inaapura si Judy Ann ng Dos na muling i-shoot ang next soap drama niyang may working title na Chrystala habang tini-taping din ang Basta’t Kasama Kita, para raw hindi mawalan ng trabaho ang staff after BKK.

Pero mukhang nag-beg off ang aktres gusto raw muna niyang magpahinga dahil pagod na siya, type muna niyang laruin ang bago niyang pamangkin na apat na buwan pa lang.
* * *
Hindi ma-imagine ni Janice de Belen, isa sa host ng S-Files na ang isyung kinasangkutan ng anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano ay mangyayari rin sa mga anak niyang babae.

"Pag ganu’ng isyu kasi, dapat, within the family lang, if ever na nag-leak, at lumabas na nga sa diyaryo, siguro hindi na ako kikibo para hindi lumaki. I don’t know, kanya-kanyang opinyon ‘yun," magandang katwiran ni Janice.

Pero inamin sa amin ng TV host na medyo may problema sila ni Aga Muhlach kay Luigi o Igi Boy Muhlach dahil hindi raw ito seryoso sa pag-aaral. Parati raw nasa barkada at mahilig sa gimmicks.

"Part ng paglaki niya ‘yun kaya hindi ko pinapansin, pero pinagsasabihan ko na may limitasyon siya. Sabi ko pa, kapag nakabuntis ka, you’re on your own na," kwento pa ni Janice.

As of now, nag-shift sa kursong Psychology ang panganay nila ni Aga dahil hindi raw nito nagustuhan ang unang kursong Culinary Arts dahil puro accounting na nahihirapan ang bagets. Reggee Bonoan

Show comments