Special guests sa gabing ito ang runners-up ng tatlo na sina Raymond Manalo (Search For A Star), Mark Bautista (Star For A Night at Christian Bautista (Star In A Million).
Sa presscon na ibinigay ng Viva para sa anim na kasali sa concert, talagang walang itulak kabigin sa galing kumanta hindi lamang sa tatlong champions kundi maging sa mga runners-up nila.
Napansin ko na mas magaling kumanta ngayon si Rachelle Ann, siguro dahil wala na siyang nerbyos. Napaka-confident naman ni Mark, walang ka-effort-effort kumanta pero, magaling pa rin. Ganun din si Sarah na panay ang bungisngis pero, confident at wala na ring takot na makipag-sabayan. Most applauded naman si Christian. Nagtaka nga ako, akala ko may mga pala siya, yun pala, mga empleyado ng Viva yung mga nagpapalakpakan. But then, maski pala sa mga ibang pinupuntahan at kinakantahan niya, well-recieved siya.
I learned graduate ng UP si Christian, sa kursong Landscape Architecture. Mayron na siyang album from Warner Music na ang carrier single ay sikat na sikat na ngayon, ang "The Way You Look At Me".
Nakatakdang pumunta ng Dubai si Christian for a show. When he comes back magpu-promote na siya ng kanyang album. Ang buong pamilya niya ay kumakanta. Panganay siya sa tatlong magkakapatid na puro lalaki. Ang isa ay gitarista at ang isa pa ay sumusulat ng kanta.
Bukod sa pelikula na talagang sinasala ng manager niya ang mga offers, naghahanda na rin siya sa paggawa ng album. Kasalukuyan siyang kumukuha ng speech at voice lessons.
Tungkol sa isang makulit na batang lalaki na naging isang bear. Bago siya bumalik sa kanyang tunay na katauhan, kailangang matuto muna siya ng mahahalagang leksyon sa buhay. Nakakilala siya ng mga kapwa niya bear, si Koda, ang moose na si Rutt at ang ram na si Tuke.
Available ang Brother Bear sa VCD at eksklusibong ipinamamahagi ng Viva Video, Inc. Mabibili na ito sa Disney DVD at Brother Bear VCD.