Yes, join na ang dalagang aktres sa Robin Padilla-Judy Ann Santos teleserye. Ayon kay Camille, she plays Ming Lao who is a martial arts expert.
"May twist sa role ko," sabi nito. "Kaya ngayon, I am undergoing training sa martial arts. Excited na ako sa role ko sa BKK."
Inamin ni Camille na masaya siya sa pagkakasama niya sa Bastat Kasama Kita. Aniya, simple lang naman ang gusto niya. "Yung magkaroon lang ako ng teleserye. Hindi naman ako nag-demand na bigyan nila ako ng solo show. Ibang tao ang may gusto non hindi ako."
Okey lang kay Camille na mapasok sa BKK kahit nga ilang buwan na lang ang itatagal nito sa ere. "Bale 3 to 4 months pa. Hanggang ending na nila ako mapapanood. Okey na sa akin yon. Kasama ko naman sina Ate Juday at Kuya Robin, e."
Exciting ang pagpasok ni Luz Fernandez bilang Tandang Ela sa Marina. Siya ang tunay na ina ni Dugong. Napakahusay pa rin talaga ng isang Luz Fernandez. Hindi talaga pwedeng tawaran ang kahusayan ni Luz bilang aktres.
Hindi na talaga maawat ang Marina bilang numero unong fantaserye sa telebisyon. Alam nyo ba sa pinaka-latest na survey, nakakuha ang Marina ng 49.9% rating. Yes, halos umabot na ng 50% ang rating ng Marina.
Hindi na ako magtataka kung one of these days ay umabot na ng nasabing porsyento ang rating ng Marina. Para sa kaalaman ng lahat, extended hanggang September ang Marina.
"Hindi ako pwedeng mag-all the way," sabi nito. Sa group naman namin, walang nagu-all tha way, eh. Hanggang paseksi lang talaga. At saka, may talent naman akong ipakikita."
Hindi makakalimutan ni Cherry Lou yung incident kung saan may tumawag sa kanya para tanungin kung magkano ang fee niya para sa isang stag party.
"Sabi ko sa kanya, Baka ikaw ang bayaran ko!" kwento ni Cherry Lou. Dagdag pa niya, "We are here to entertain pero kapag ikaw pa yung mabastos, nakakasama na yon ng loob."
Ready na rin siya na maging daring sa pelikula. But then again, may limitations pa rin. Hindi pa raw niya kaya ang frontal nudity. Wala pa raw siyang lakas ng loob.
Ibinalita ni Cherry Lou na guest siya sa Bastat Kasama Kita.
"Excited ako na maging part ng BKK," sabi nito. "Exciting ang role ko kasi part ako ng carnapping syndicate. Ginagawa namin yun para mapagbigyan ko ang luho ko at ng barkada ko."
Sa teleserye, her last stint was in Kay Tagal Kang Hinintay.