Kakaibang mag-praktis ng pagkanta si Sheryn Regis !

Kung ang ibang singer ay sa swimming pool o dagat nagpapraktis para gumanda ang boses, kakaiba naman ang istilo ng mahusay na singer na si Sheryn Regis, sa balon ng tubig siya kumakanta malapit sa bahay nila sa Cebu. Gusto raw kasi niyang marinig na nag-e-echo ang boses niya sa microphone kaso isang maliit na transistor lang ang meron sila sa Cebu noong bata siya. Tuwang-tuwa siya nang marinig ang magandang effect ng boses niya sa balon habang kumakanta ito nang minsan siyang sumalok ng tubig. Mula noon ay araw-araw na siyang dumudungaw sa balon habang kumakanta ng theme song ng "Little Mermaid." Feeling Ariel daw siya habang kinakanta ito. Ang pelikulang Little Mermaid ay napapanood niya sa video sa bintana ng kanilang kapitbahay sa Cebu.

Kaya dream come true para kay Sheryn nang ipakanta sa kanya ang "Kailan Kaya" ang theme song ng Marina, isang fantaserye ng ABS-CBN.

"Noong niri-record ko nga po yung "Kailan Kaya" sabi ko sa sarili ko, para na rin akong si Ariel, kaya thankful po talaga ako sa kanila (ABS CBN)," sambit ni Sheryn.

Iniipon din ni Sheryn ang baon niyang 50 centavo noong grade IV siya, para lang makapanood ng musical movie na Sound of Music na paulit-ulit niyang binabalikan sa kanilang lugar na piso ang bayad.

Malaki na raw siya nang mag-Saudi ang papa niya pero mababa lang daw ang sahod na sapat lang sa pangangailangan nila dahil sa pinag-aral pa raw sila sa mga exclusive schools noon. Habang  isang manikyurista naman ang mama niya.

Pagkatapos hindi manalo sa Star In A Million nang gabing iyon ay over 500 texter for 3 days ang nakisimpatya sa kanya kaya raw nasira ang 3650 celfone niya.

Sobrang close daw sila ni Erik Santos. Magkatabi pa nga raw silang matulog sa hotel na tinutuluyan niya. Hindi na raw niya noon pina-uuwi si Erik para hindi na ito mapagod para sa maaga nilang rehearsal kinabukasan. Nag-usap daw sila ng masinsinan ni Erik matapos siyang matalo dahil for awhile ay nalungkot si Sheryn. Pero lalo raw siyang na-challenge sa dami ng nagtitiwala sa kanya. "Nag-text ang mama ko sabi niya, ‘may be it’s not yet your time!’ Kinabuksan sabi ko sa sarili ko, this is my second life Lord," sabi ni Sheryn. Ngayon sa dami ng show ni Sheryn ay nakabili na siya ng Honda Civic at nakakatulong na siya sa pamilya niya sa Cebu. Bukod dito ay Barbie dolls lang ang madalas niyang pagkagastusan sa kanyang pera. "Hindi po kasi ako nagkaroon ng Barbie noong bata ako. Nakakalima pa lang naman po ako ngayon sa collection ko," kwento ni Sheryn.

Isa sa lubos na nagtitiwala kay Sheryn ay ang Star Records kung saan meron siyang album na pinamagatang "Sheryn: Come In Out of the Rain."

"Hindi lang po ito puro biritan kundi ang bawat kanta sa album ay may puso rin," hikayat ng 22 yrs. old na singer.

Iisa lang ang comment sa launching ng kanyang album pagkatapos siyang hilingan na bumirit ng matataas na kanta. "Hindi man lang siya pinagpapawisan. At walang ka-effort effort kumanta," sabi ng mga nakapanood ng show.

Show comments